Chapter 58: Last Game

9.2K 304 9
                                    

Ice Pov~

Halos dalawang linggo na simula ng bumalik kami ni Devin dito sa DIA at sabihin ng Headmaster sa lahat ang ukol sa laro. Tapos na ang laban ng mga indibidwal at lima lamang ang pinalad na magtagumpay. Ngayong araw ay ang huling araw ng paglalaban ng mga grupo, At ako......... Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo pa at ang makakalaban namin ngayon ay sina Ate Rei.

Apat na grupo na lamang ang natitira. Kaming Reapers, Ang Red Skulls, Wolves at ang Dark Cards.

"A- Ate......"- saad ko kay Ate Rei.

Nandito kami ngayon sa tapat ng malaking Kulungan na ipinagawa ng Headmaster. Dito naghaharap-harap ang bawat grupo bago pumasok sa loob ng kulungan at maglaban.

Nginitian naman ako ni Ate Rei.

"Wag kang matakot...... Nangako kami kila Pinuno na poprotektahan ka namin. Hindi kami lalaban."- saad ni Ate Rei.

Napakunot naman ako ng noo.

"A- anong ibig mong sabihin...."- saad ko.

Ngumiti naman sya ulit at pagkatapos ay tumingin sya kay Luis na nakangiti samin ng mga kaibigan ko.

"Headmaster!"- tawag ni Luis sa Headmaster sabay harap nya dito.

Tinignan ko naman sila Ashlie at pagkatapos ay ang iba sa Red Skulls na nakangiti lang at tila sinasabi sakin na 'Ayos lang.'

A- anong gagawin nila......

"May nais kang sabihin Luis?"- saad ng Headmaster.

Ngumiti naman ulit si Luis at pagkatapos ay lahat silang Red Skulls ay binitawan ang kani-kanilang mga sandata.

Nanlaki naman ang mga mata ko at tila hindi ko malaman ang gagawin.

Tila alam ko na ang gagawin nila!!

"Hindi namin lalabanan ang Reapers! Sumusuko po kami sa laban na 'to!"- sabay-sabay nilang sabi.

Natigilan naman ako.

"A- ano...."- saad ko sabay tingin ko kay Ate at hawak ko sa kamay nya.

"Ate!"- saad ko habang nagsisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko.

Ngumiti naman sya at hinawakan ako sa pisngi.

"Ayos lang, isa pa.... Nasanay na kami dito sa DIA. Ikaw, dapat kang makaalis dito. Hangga't wala ka pang naiisip na paraan...... Kailangan mong makaalis dito para sa kaligtasan mo."- mahinang saad ni Ate Rei.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now