Chapter 36: Locked

12.4K 345 15
                                    

Ice P.O.V

"Sige, anong meron kayo?"- tanong ni Devin kila Ashlie, Bryan, Ylana, Brent, Alex at Grey.

Nandito kami ngayon sa opisina ng Dark Cards, pagsasama-samahin namin ang mga naisip namin ukol sa laro.

"Kami muna."- saad nila Ashlie at Bryan.

Tinignan naman sila ni Devin.

"Sige, anong meron kayo?"- saad ni Devin.

May inilapag naman na papel si Ashlie.

"Kahapon, naisipan namin ni Bryan na mag-isip ng maaaring maging lead o clue para mahanap natin ang mga kalaban. Hindi kami nakaisip ng lead o clue pero may naisip kami na sa tingin namin ay makatutulong."- saad ni Ashlie.

Kinuha ko naman yung papel na inilapag niya at yun ay binasa.

"Iniisip niyo na sila Red at Black Mask ay mag-asawa at sila ay maaaring kaaway ng pamilyang Killiano na nais agawin ang DIA?"- saad ko kila Ashlie at Bryan habang nakakunot ang aking noo.

Tumango naman sila.

"Pwedeng pakipaliwanag?"- saad ko sabay sandal ko sa upuan ko.

Ngumiti naman si Bryan.

"Naisip kasi namin King and Ms.Ice na baka sila Red at Black Mask ay nais kunin ang DIA. Pinagtatangkaan nilang patayin ang Headmaster at nanggugulo sila dito sa DIA kaya naman naisip namin ni Ashlie na baka mag-asawa sila at isa sila sa pamilya na kaaway ng pamilyang Killiano at nais nilang agawin ang DIA."- paliwanag ni Bryan.

Napaisip naman ako.

Maaari....

May bigla namang pumasok sa isip ko.

"Sandali, yang naisip niyo. Kung sakali mang totoo yan, may lead na tayo. Tila isang clue narin yang naisip niyo."- saad ko.

Napatingin naman sila saking lahat.

"Paano mo nasabi?"- tanong sakin ni Devin.

"Kung totoong mag-asawa sila at kaaway sila ng pamilyang Killiano, madali na lang satin na makilala sila. Ang kailangan lang natin ay alamin ang mga pamilyang kaaway ng pamilyang Killiano at yun ay imbistigahan."- saad ko sabay tingin ko sa lahat ng Dark Cards.

"Madali lang nating malalaman yun dahil sa inyong Dark Cards, isang tanong niyo lang kay Headmaster alam niyo na ang sagot. Sigurado akong alam niya ang mga pamilyang kaaway ng Killiano dahil kapatid niya si Mrs.Killiano."- saad ko pa.

Sumandal naman si Devin sa kanyang upuan.

"Isasama natin yan sa plano."- saad ni Devin.

"Ang iba?"- saad ni Devin sabay tingin kila Ylana, Brent, Alex at Grey.

Nagkatinginan naman ang mga ito. Pagkatapos, nagsalita si Brent.

"Well, magkakasama po kaming nag-isip at kumilos kahapon."- saad ni Brent.

"At ito po ang naisip namin."- saad ni Ylana sabay lapag ng isang pad ng papel.

"Sinabi ng Headmaster na kutob niyang estudyante rin dito sa DIA ang mga tauhan nila Red at Black Mask kaya naman naisip namin 'to."- saad ni Ylana.

"King, pinasok ko ang opisina ng Headmaster. Palihim kong ikinonek ang laptop ni Grey sa computer kung saan nakakonek ang mga CCTV. Ginawa ko po yun upang makapagmasid tayo sa buong DIA ng madalian."- saad ni Alex.

"Ang naisip po namin ay magmasid sa buong DIA nang sa ganun kung totoo man pong mga estudyante dito sa DIA ang mga tauhan nila Red at Black Mask ay makikilala natin sila. Balak rin po namin ni Grey, Ylana, at Alex na maglagay pa ng mga maliliit na camera sa ilalim ng CCTV upang makasigurado sapagkat mukhang matatalino ang mga tauhan na ito nila Red at Black, mukhang hindi po sila tanga upang hindi iwasan ang mga CCTV sa bawat kilos na gagawin nila at upang magawa po ito hinihingi po namin ang permiso mo King upang gamitin ang mga mini camera na mayroon tayo sa dorm natin. Papayag po ba kayo na gamitin ito?"- saad ni Brent.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now