Chapter 40: Let's Play a Game

11.8K 340 5
                                    

Ice P.O.V

"Ayos kana?"- tanong sakin ni Ashlie.

Tinignan ko naman sya at nginitian.

Halata ang pag-aalala sa mukha nya.

"Oo naman! Ako pa ba? Wala sakin yung mga ganun! Kaya ng buto-buto ko yung mga ganung kababaw na bagay!"- saad ko sabay smirk.

"Gusto mo patunayan ko sayong okay na ko? Balian kita ng buto."- biro ko.

Ngumuso naman sya at tinabihan ako sa higaan, pagkatapos ay niyakap nya ko.

"Ice naman eh! Alam mo bang alalang-alala kami sayo kahapon tapos ngayon nagbibiro ka pa ng ganyan? Nakakainis ka!"- saad ni Ashlie na halata ang pagtatampo sa tono ng pananalita.

Ngumiti naman ako.

"Kaya nga ko nagbibiro eh, gusto kitang mapatawa dahil alam kong nag-aalala ka, kayo nila Ylana at Grey. Pero ayos na ko, tulad ng sinabi ko kanina wala lang sakin yung mga ganun kaya naman wag na kayong mag-alala."- saad ko.

Humiwalay naman sya sakin at pagkatapos ay nginitian nya ko.

"Okay, sinabi mo eh."- nakangiti nyang sabi.

Hindi naman ako nagsalita at nginitian na lamang sya. Ilang sandali lang, nagulat ako ng biglang bumukas ng napakalas ang pinto ng clinic. Pagtingin ko, si Ate Rei. Tumayo naman si Ashlie at nagtungo sa sofa sa gilid.

"Ate."- nakangiti kong saad ngunit.. bigla nya kong sinampal.

Nagulat naman ako sa ginawa nya at napatingin na lamang ako sa kanya na tila nagtataka ako kung bakit nya ginawa sakin yun.

"B-bakit mo ginawa yun!? Magpapakamatay ka ba? Bakit ka humarang? Paano kung hindi ka sa balikat tinamaan? Paano kung sa puso o sa ulo ka tinamaan!? Edi patay kana! Sabihin mo sakin, bakit mo ginawa yun! Nagpapaka-superhero ka ni Devin huh? Nagpapaka-superhero ka nung lalaking yun?"- pagtataas sakin ng boses ni Ate.

Tila nag-init naman ang ulo ko at di ko namalayan, sinisigawan at inaaway ko na sya.

"Bakit? Masama bang magligtas ng BUHAY ng iba huh? Masama ba yun? Hindi naman ako tinamaan sa puso o sa ulo! Sa balikat lang ako tinamaan at BUHAY AKO! Hindi ako namatay dahil sa ginawa ko! Kung namatay ako dun ka mag-ga-ga-ganyan pero hindi eh! Yung totoo Ate? Nagagalit ka dahil natakot ka sa ginawa ko dahil baka mamatay ako o nagagalit ka kasi hindi si Devin ang tinamaan? Na Hindi si Devin ang napahamak! Galit ka sa kanya! Galit kayo sa kanya na halos gusto nyo syang layuan ng kahit sino! Galit na galit kayo sa kanya na tila gusto nyo syang mamatay! Sabihin mo Ate, anong ginawa nyang masama sayo? Wala diba? Bagkus kabutihan! sya ang naging kaibigan mo dito sa DIA pero anong ginawa mo? Bandang huli itinurin mo syang kaaway! Wala syang ginawa o ginagawa sayo! Ikaw pa 'tong may ginawa sa kanya! Kung may nagawa man sya marahil dahil din sayo yun! At di mo sya masisisi dun, kaya bakit ka nagagalit sa kanya? Wala kang karapatan Ate! Sya ang may karapatang magalit! SIYA at hindi ikaw!"- sigaw ko kay Ate.

Tila natigilan naman sya.

"I-ice.. Ate Rei.. itigil nyo yan."- rinig kong awat samin ni Ashlie pero hindi namin sya pinansin pareho ni Ate.

"At kinakampihan mo pa yung lalaking yun? Palibhasa kasi wala kang alam! Wala kang alam sa tunay na nangyayari! Hindi mo alam ang kamalian na ginagawa nya kasi nga WALA KANG ALAM!"- sigaw ni Ate.

Napakuyom naman ako ng kamao ko.

"OO! Kinakampihan ko sya! Kamalian? Ipagpalagay na nga nating may mali syang ginagawa pero lahat naman ng tao diba may kamalian? Ikaw Ate, may kamalian karin na ginagawa! Dada ka ng Dada! Tutol ka ng Tutol! Babala ka ng babala! Pero di mo naman sinasabi ang tunay mong dahilan! Wala akong alam? Oo nga! Wala akong alam! Kasi hindi nyo sinasabi eh! HINDI MO SINASABI SAKIN YUNG DAPAT KONG MALAMAN! Kung gusto mong kampihan kita pwes sabihin mo sakin ang dahilan mo at lahat ng tungkol dyan sa ipinaglalaban mo! Kinakampihan ko si Devin dahil nakikita ko, nakikita kong MABUTI sya at di sya katulad ng iniisip nyo! Isa pa Ate, wag kang umasta na parang alam mo narin lahat! Baka mamaya isang araw, ang itinuturin mong kaaway ay kakampi pala. Wala kang alam sa kanya, wala tayong alam tungkol sa kanya! Kaya wag natin syang husgahan."- saad ko sabay alis ko ng tingin ko kay Ate.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now