Chapter 12: Reign Daves

14K 434 3
                                    

Ice P.O.V

"A- are you sure? Walang nagngangalang Reign Daves dito?"- saad ko sa nagbabantay sa registrar.

Tumango naman ito.

"Yes, wala po at hindi po kami nagkaroon ng estudyante na ganun ang pangalan. Kung meron man po, nandito po dapat sa listahan yun pero wala po eh."- saad nung nagbabantay.

Di naman ako makapaniwala.

Paanong wala?

"Ice, may naiisip ako sa nangyayari."- bulong sakin ni Ylana.

"Ano?"- tanong ko.

"Hindi kaya iniba niya ang pangalan niya? Walang nakakakilalang estudyante sa kanya 'tas tignan mo! Wala ang pangalan niya sa registrar."- saad ni Ylana.

Napakunot naman ako ng noo.

"Iniba? 'Bat naman niya iibahin ang pangalan niya?"- tila inis kong sabi.

Reign! Nasaan ka?

"Ice Rogiano."- tawag sakin ng isang boses babae.

Pagtingin ko...

"Pwede ba tayong mag-usap?"- tanong sakin ng nag-iisang babae ng Red Skull.

Si Reigen.

Nagtaka naman ako.

"Bakit gusto mo kong makausap?"- tanong ko.

Ngumiti naman ito.

"Rica and Ray Daves."- mahina nitong saad ngunit sapat para marinig ko.

Nagulat naman ako.

"T- teka... 'bat alam mo ang pangalan ng mga kumupkop sakin?"- saad ko.

Lumapit naman siya sakin.

"Simple lang."- saad niya sabay hinto niya sa harap ko.

"Dahil anak nila ko."- saad nito sabay baba niya sa suot niyang face mask.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"So, anong ginagawa dito ng babaeng kinupkop ng mga magulang ko? In other words, anong ginagawa dito ng kapatid ko?"- saad ni Reigen sabay ngiti.

"R- Reign?"- gulat kong saad.

Bigla naman niyang tinakpan ang bibig ko at tumingin-tingin sa paligid.

"Wag kang maingay! wag mo kong tatawagin sa totoo kong pangalan dito."- saad niya sabay tanggal niya agad sa pagkakatakip niya sa bibig ko.

Nagtaka naman ako.

"P- pero.. bakit?"- taka kong sabi.

Tila natigilan naman siya.

"B- basta!"- saad niya sabay iwas niya ng tingin.

May narealize naman ako.

"T- teka.. paano mo nalaman na ampon nila ko? Wala kana nung inampon ako ng mga magulang mo."- mahina kong sabi.

Bumuntonghininga naman siya.

"Ipaliliwanag ko sayo, pero wag tayo dito. Isama mo na yung mga kaibigan mo dahil may sasabihin akong importante."- saad ni Reigen o Reign o ewan ko!

Ano ba itatawag ko sa kanya?

"Siya nga pala, call me Ate Rei. Mas matanda ako sayo."- saad niya sabay kindat sakin at lakad.

"Sundan niyo ko."- saad niya sabay lakad paalis.

Mas matanda siya sakin? Ililigtas ko mas matanda sakin? Well, wala naman kasi akong alam tungkol sa kanya. Bukod sa pangalan niya at sa mga magulang niya ay wala na kong ibang alam. Sumugod ako dito kasama ang mga kaibigan ko ng walang kaalaman tungkol sa kanya pero akala ko talaga mas matanda ako sa kanya, but the hell i care! Ililigtas ko parin siya. Sabay kaming aalis dito, Ako, siya at ang mga kaibigan ko.

Dark Island Academy 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt