Chapter 39: Dark Cards Reapers

12K 337 7
                                    

Ice P.O.V

"Hindi kaya 'to malalanta?"- bulong ko sa sarili ko.

"Tumagal kaya 'to?"- bulong ko ulit.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, kasalukuyan kong tinititigan yung itim na rosas na ibinigay sakin ng Hari kahapon. Nakaligo at nakaayos na ko pero 8am pa lang kaya ayos lang na tumunganga pa ko at hindi agad puntahan ang Hari. Ayon sa sinabi nya kahapon, 10o'clock daw dapat naghahanap na kami sa labas ng DIA, siguro 9:30 ko na lang sya pupuntahan.

"Nakakatawa talagang isipin na gumamit sya ng tinta para maging itim ang rosas, bakit naman kaya nya naisipan na gawin 'to?"- bulong ko ulit sa sarili ko.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Ashlie na naka-uniform na habang nagsusuklay ng kanyang buhok.

"Ice, nagpapatawag ng pangkalahatang meeting ang Headmaster. At 9:30 nasa gymnasium na daw ang lahat."- saad sakin ni Ashlie.

Napakunot naman ako ng noo.

"What? may meeting?"- saad ko.

Paano yung paghahanap namin ni Devin sa labas ng DIA mamayang 10o'clock?

"Yup! Nabasa ni Grey dun sa bulletin board. Nagluto si Ylana ng pagkain, kumain kana muna at hindi kapa kumakain."- saad ni Ashlie sabay labas nya ng silid ko.

Bumuntong hininga naman ako.

Tatanungin ko na lamang ang Hari mamaya sa gymnasium.

Anyways, dahil sa nangyari kahapon sa opisina ng Dark Cards, pagkauwi kahapon nila Ashlie, Grey at Ylana dito sa dorm ay agad naming pinag-usapan ang tungkol sa pagtakas. At nagkasundo kaming lahat ukol sa bagay na yan, lahat kami iisa ang desisyon...

Hindi na kami tatakas at gagawin na lamang namin ang laro, pwera na lang kung kailangan na talagang tumakas dun kami tatakas.

Yun ang desisyon, yung sinabi ko kay Devin kahapon ay tototohanin naming apat na magkakaibigan. Iyon na yun....

"Makakain na nga muna."- bulong ko sabay tayo ko at lakad ko palabas ng kwarto ko.

Pagkalabas ko biglang sumigaw si Grey.

"What the! Ano 'to!"- sigaw ni Grey.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano ba yan Grey! Problema mo dyan?"- tanong ni Ylana kay Grey sabay lapit nya dito.

"Tignan nyo 'to."- saad ni Grey habang nakatingin sya sa laptop nya.

Agad naman akong lumapit sa kanya at tinignan kung anong nakita nya sa laptop nya.

"Si Vince?"- saad ko.

Tumango naman si Vince.

"Pumunta sya dyan sa likod ng puno ng 5:30pm tapos umalis sya ng 6:30pm. Tapos tignan nyo 'to."- saad ni Grey sabay forward nya sa video.

"10pm may lumabas dyan na babaeng nakamaskara na pula, si Red Mask."- saad ni Grey.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

Si Red Mask!

"Diba yung puno na yan sa pinakadulo ng garden ay yung puno na kinatatakutan nila? Marami na daw kasing pinatay dyan at sabi may nagpapakita daw dyan na multo kaya walang lumalapit dyan o tumatambay, pero si Vince, pumunta sya dyan at tumagal sya ng 1hr. Tapos ang nakakapagtaka pa, lumabas dyan si Red Mask! Anong misteryo meron yang puno na yan?"- saad ni Ylana.

May naalala naman ako.

Dinala na ko dyan ni Vince, yun yung araw na nagalit sakin si Ate Rei dahil ayaw kong pumayag na i-request nyang iba na lamang ang grupong magiging kasama naming Reapers sa laro at hindi na ang Dark Cards. Kinausap ako ni Vince sa likod ng puno na yan at tinanong kung anong nararamdaman ko sa Hari, iniwan pa nya ko dyan mag-isa.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now