Chapter 52: I Love You

12.4K 366 30
                                    

Reigen Pov~

"Mamayang gabi na ang Prom, anong gagawin natin? sinabi nila master na pagkatapos ng huling patayan ng Darkness week aatakihin natin ang Headmaster. Hindi natin sya papatayin, susugatan lamang ngunit paano natin yun magagawa? nawawala ang mga maskara natin."- saad ko sa Wolves at sa iba pang Skulls.

Bumuntong hininga naman si Luis.

"Ang sinabi lang sakin nila pinuno, gawan natin ng paraan. Anong paraan naman?"- saad ni Luis.

"Tsk! sino ba kasing kumuha ng mga maskara natin? nakakainis!"- saad ni Vince.

"Sigurado ka bang hindi ang Cards ang kumuha?"- tanong ni Luis kay Vince.

Tumango naman si Vince.

"Oo, Mukhang wala silang mga alam. Halata sa kanila. At kung may alam man sila, Hindi ba dapat kumilos na sila? Pero hindi. Dahil sigurado ako wala silang alam o kinalaman sa pagkawala ng mga maskara natin."- saad ni Vince.

"Kung ganun, anong gagawin natin?"- tanong ni Xandro.

"Eh kung gumawa na lang kaya tayo ng mga bagong maskara? Hangga't may oras pa gumawa na tayo!"- saad ni Vin.

Nagcross arms naman ako.

"Gagawa tayo, gawa naman sa ano?"- saad ko.

"Folder, Karton o Tela?"- saad ni Vin.

"Pwede rin yan, pero ang tanong paano naman natin gagawin?"- saad ni Julian.

Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Ice na may dalang isang supot.

"Ate Rei ano 'to? nakita ko 'to sa tapat ng pintuan ng Dorm nyo."- saad ni Ice.

Agad naman akong tumayo at kinuha ang supot kay Ice.

"Patingin."- saad ko sabay tingin ko sa laman ng supot.

Pagtingin ko, nanlaki ang mga mata ko at agad na isinara ang supot.

"Anong nasa loob ng supot Ate?"- tanong sakin ni Ice.

Tinignan ko naman sya.

"H- Hindi mo alam? Hindi mo tinignan kanina pagkakuha mo dito?"- kinakabahan kong sabi.

Tumango naman sya.

"Kinuha ko lang yan pagkatapos pumasok na ko dito."- saad ni Ice.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Mabuti naman...

Hinagis ko naman ang supot kay Luis at pagkatapos ay sinenyasan ko syang itabi agad ang supot.

"Ano bang laman ng supot Ate?"- tanong sakin ni Ice.

Tinignan ko naman sya at nginitian.

"A- Ahm... wala! wag mo nang alamin. Anyways... anong sadya mo at pumunta ka dito? May.... problema ba?"- pag-iiba ko ng usapan.

Damn! ang mga maskara namin ang laman ng supot! Hindi maaaring makita ni Ice ang mga yun dahil kung hindi.... malalaman nyang kami ang mga manggugulo mamaya sa prom...

"Ayoko kasing magpa-ayos kay Ashlie para mamaya sa prom, Masyado kasi syang Full pack kung magmake-up. Ayoko ng ganun! pwede bang ikaw na lang Ate ang mag-ayos sakin mamaya? Gusto ko yung simple lang. Please...."- saad ni Ice.

Ngumiti naman ulit ako.

"S- sige... aayusan kita. Ako ba pupunta sa Dorm nyo o Ikaw ang pupunta dito?"- tanong ko.

Dark Island Academy 1Onde histórias criam vida. Descubra agora