Chapter 26: Warning For The Headmaster

13.3K 393 11
                                    

Devin P.O.V

"Ang Reapers."- mahinang saad ni Bryan.

Tinignan ko naman ang tinitignan niya.

"Nakakagulat, malakas agad ang pinuno nila?"- di makapaniwalang saad ni Alex.

"Anong klase siya.."- saad ni Brent.

"Mutant."- saad naman ni Bryan.

Nanatili naman akong nakatingin sa Reapers na kasama ang Wolves at nanatiling hindi nagsalita.

Bahagya naman akong nagulat ng biglang tumingin sakin si Ice, panandalian kaming nagkatitigan at pagkatapos bigla siyang ngumiti at inalis sakin ang kanyang tingin.

Anong ibig-sabihin nun?

"King, nagtext ang Headmaster. Ipinatatawag ka niya sa opisina niya."- saad sakin ni Brent.

Tinignan ko naman si Brent.

"May ipagagawa yata sayo King."- saad ni Brent sabay tago niya sa cellphone niya.

Natigilan naman ako at hindi nagsalita, nanatili lamang akong nakatingin kay Brent.

Ang Headmaster.... m- may.. ipagagawa?

"King? Ayos ka lang?"- rinig kong tanong sakin ni Bryan.

Susunod ba ko?

"King? Ayos ka lang?"- rinig kong saad ulit ni Bryan.

Nakabalik naman ako sa realidad.

"H- huh? O- oo! Ayos lang ako."- saad ko sabay tayo.

"Pupunta na ko."- saad ko sabay lakad ko paalis.

B- bakit ako nagdalawang-isip?

"Sandali."- rinig kong saad ng isang boses mula sa likuran at pagkatapos biglang may humila sakin papunta sa gilid.

Pagtingin ko....

"Ice?"- gulat kong sabi.

Tumingin-tingin naman siya sa paligid at pagkatapos tumingin siya sakin at ngumiti.

"Ang Headmaster ba?"- saad niya.

Natigilan naman ako.

"Kung ako sayo wag ka nang pumunta, subukan mong wag sumunod sa kanya this time."- saad ni Ice.

Napakunot naman ako ng noo ko.

"Tss.. paano mo nalaman na pupunta ako sa Headmaster? isa pa, paano mo nalaman na uutusan niya ko?"- kunot noo kong sabi.

Ngumisi naman siya.

"Just feel it."- saad niya.

Tinanggal ko naman yung pagkakahawak niya sakin.

"Anong kailangan mo sakin."- walang emosyon kong sabi sa kanya.

Tinitigan naman niya ko at pagkatapos ay bigla siyang sumeryoso.

"May gusto akong malaman."- saad niya.

Napataas naman ako ng kilay.

"Ano."- saad ko.

"May pag-asa ba? may pag-asa ba na bumait ka at hindi na sumunod sa isang demonyo katulad ng Headmaster."- seryoso niyang saad.

Napatitig naman ako sa kanya.

A- ano?

"Anong sinasabi mo."- saad ko.

"Ang ibig kong sabihin, may pag-asa ba na kalabanin mo siya o wala? Oo o Wala lang Devin. May gusto lang akong kumpirmahin."- seryoso parin niyang sabi.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now