Chapter 37: We Can Do This

12.4K 349 22
                                    

Grey P.O.V

"WAG MO KONG KAUSAPIN!"- sigaw ni Ylana kay Brent.

"Sorry na nga eh!"- saad ni Brent.

"Sorry mo mukha mo! Diyan nga muna kayo! Uuwi ako sa dorm at maliligo! Bwiseeet!"- banas na saad ni Ylana sabay padabog na lumabas ng library.

Tinignan ko naman si Brent at pagkatapos si Alex.

"Nakulong kayo dito?"- natatawa at di ko makapaniwalang sabi sabay tingin ko ulit kay Brent.

Kumakamot sa ulo namang tumango si Brent.

"Na-lock kami nung librarian."- sagot ni Brent.

"Na-lock o Ni-lock?"- saad ni Alex.

"Ewan."- sagot ni Brent.

Natawa naman ako ng tuluyan.

"Kamusta naman yung tenga mo? hindi ba nabasag? sa magdamag na magkasama kayo sa ganitong klaseng lugar malamang puro pagbubunganga ang ginawa ni Ylana."- saad ko.

Ngumiwi naman si Brent.

"Nadamage lang, feeling ko nagkaroon ng maliit na butas yung eardrums ko."- saad ni Brent.

"Haay.. buti na lang dito namin naisip ni Grey na pumunta kaya dumating kami ng maaga at buti na lang may susi tayong lahat na Cards sa lahat ng silid dito sa DIA, hindi mo ba dala yung susi mo dito sa library?"- saad ni Alex kay Brent.

Tumango naman si Brent.

"Oo eh, tsaka di ko naman alam na mangyayari samin ni Ylana yun lalo pa at pinuntahan ko lang naman sya dito para sunduin kasi diba kayo kumikilos na tapos kami wala kasi sya nandito sa library at nais matulog."- saad ni Brent sabay ayos nya ng tayo nya at tingin saming dalawa ni Alex.

"Bakit nga pala ang aga nyo, nauhan nyo pa yung Librarian. Akala ko kanina yung librarian na yung dumating kayo pala."- kunot noong saad ni Brent.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Alex at pagkatapos agad kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

"A- ahm.. naisip kasi namin kahapon ni Alex na mas maganda kung maaga kaming magmasid, kahapon kasi wala kaming napansin maghapon kaya naisip namin baka sa umaga sila kumikilos."- saad ko.

Nagsalita naman si Alex.

"Tapos kapag wala kaming napansin ngayong umaga na kakaiba, baka magmasid din kami mamayang gabi at i-record ang mga pangyayari sa magdamag."- saad ni Alex.

Nakita ko namang bumuntong hininga si Brent.

"Ah sige, dyan na kayo. Uwi muna ko sa dorm, maliligo at kakain muna ako. Balik na lang ako dito mamaya, kung sakaling hindi ko kayo abutan dito saan kayo naroroon?"- tanong samin ni Brent.

Hinarap ko naman sya ng maayos.

"Siguro nasa garden o cafeteria."- saad ko.

"Pero kapag class time na malamang nasa klase na kami."- saad naman ni Alex.

Tumango naman si Brent.

"Oh sige, kita na lang tayo mamaya. Yari sakin yung librarian mamaya."- saad ni Brent.

Tumango naman kami ni Alex kaya umalis na sya. Pagkaalis ni Brent, agad kaming umupo ni Alex sa isang gilid at pagkatapos ay inopen ko agad ang laptop ko.

"Start na tayo."- saad ko.

Ngumiti naman si Alex at tumango.

"Si Ice oh!"- turo ko kay Ice na naglalakad sa hallway.

Dark Island Academy 1Место, где живут истории. Откройте их для себя