Chapter 51: The Messages

10.5K 335 7
                                    

Ashlie Pov~

"Guys! Guys!"- sigaw ko pagkapasok ko sa Dorm naming Reapers.

Agad naman silang napatingin sakin.

"Problema mo?"- tanong sakin ni Ylana.

Ngumiti naman ako.

"May nakita akong Eroplano na dumating! Nakita ko sa rooftop kanina at pagkatapos, Nakita ko ang Cards na lumabas. Sana package ulit yun mula sa mga parents natin! namimiss ko na kasi sila Mommy at Daddy."- saad ko.

Nakita ko namang sumama ang mukha ni Ice.

"Hmm... ang alam ko nandito ang Eroplano ngayon dahil sa magdedeliver ito ng mga gamit ng mga estudyante na gagamitin bukas para sa Prom."- saad ni Grey.

Napasimangot naman ako.

"Sana nga tama si Grey, Dahil kung padala ng mga magulang yun malamang wala na namang para sakin."- saad ni Ice sabay tayo at lakad papunta sa pinto.

"Mauuna na ko sa inyo."- saad ni Ice sabay labas ng Dorm namin.

Pagkaalis ni Ice, Biglang tumayo si Ylana at hinampas ako.

"Aray! Bakit?"- tanong ko.

"Tsk! Alam mong nagtatampo si Ice sa parents nya eh! Loka ka talaga!"- saad sakin ni Ylana.

Napakamot naman ako sa ulo ko.

"E- Eh? Pasensya naman!"- saad ko.

Tumayo naman si Grey.

"Ang mabuti pa, tara na. Anong oras na oh."- saad ni Grey.

"Sige."- saad namin ni Ylana at pagkatapos ay lumabas na kaming tatlo sa Dorm.

Habang nasa daan, nakasalubong namin ang tatlo sa Cards. Sila Alex, Bryan, at Brent. Maraming bitbit ang mga ito. Pagkakita nila saming tatlo nila Ylana, Agad nila kaming nilapitan.

"Dala namin yung mga gamit para sa inyo!"- duet ng tatlo.

Nagkatinginan naman kami nila Ylana at Grey at pagkatapos ay natawa na lamang kami.

"Kailangan Duet?"- saad ko.

Hinigit naman ni Bryan ang kamay ko.

"Ashlie, Dun tayo sa Garden. Dun ko ibibigay 'tong mga gamit mo."- saad ni Bryan.

"S- Sige."- saad ko.

Pagkasabi ko nun agad nya kong hinila paalis.

"Kita na lang tayo mamaya Guys!"- sigaw ni Bryan bago kami makaalis ng tuluyan.

Pagdating namin sa Garden, Agad nya kong pinaupo sa isang bench.

"Ang mga gamit na ito ay mula sa parents mo."- saad ni Bryan na ikinanuot ng noo ko.

"Ano? Paano?"- tanong ko.

Ngumiti naman sya.

"Sa labas kasi ng Isla, may tinginan doon nang mga pangalan ng mga estudyante dito sa DIA na buhay pa. Oras na makita ng mga magulang na buhay pa ang mga anak nila, Yun! Nagpapadala sila. Kapag ganitong may klase ng Event dito, Nalalaman din yun sa labas ng isla kaya't oras na malaman ng mga magulang ng mga nandito yun obligado silang magpadala ng mga gamit na kailangan ng anak nila. At ikaw, Dahil nakita ng parents mo na buhay kapa. Pinadalhan ka nila ng gagamitin mo para sa Prom bukas. At 'eto ang ipinadala nila para sayo."- saad ni Bryan sabay lapag nya sa mga bitbit nya sa bench na inuupuan ko at kuha sa isang gown na nakaplastik pa na malaki.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now