Chapter 53: King and Queen

11.2K 343 18
                                    

Devin Pov~

"Ang Hari."

"Totoo ba 'tong nakikita ko? May ka-date sya ngayon?"

"Diba si Ice Rogiano yung girl? Palagi silang magkasama ng Hari. Hindi kaya may relasyon silang dalawa?"

"Malamang nga, at kung totoo man. Ang swerte ng Ice na yan."

"Hindi kaya ginayuma nya ang Hari?"

"Ano kaba, hindi naman mukhang mangkukulam si Ice. Ang ganda nya kaya."

"Ang Hari ang swerte sa kanya. Tinanggap nya ang Hari sa kabila ng katauhan nito."

Napangiti naman ako ng palihim dahil sa mga bulungan na naririnig ko habang naglalakad kami ni Ice sa Red Carpet.

"Marami karin palang Fans, hindi halata."- saad ni Ice sa mahinang boses.

Tinignan ko naman sya.

"Hmm.. May problema? Mukhang ikaw nga rin may fans."- saad ko.

"Tsk, wala akong problema. Sinabi ko lang kasi nakakagulat."- saad nya.

Hindi naman ako nagsalita at ngumiti na lang. Pagdating namin sa table naming Dark Cards Reapers, agad kong pinaupo si Ice at tumabi sa kanya.

"Oh King! Wine para sa inyo ni Ms.Ice!!"- saad ni Bryan sabay salin nya ng Wine sa mga basong nasa harapan namin ni Ice at pagkatapos tumayo sya at pinuntahan si Ashlie na nasa kabilang table at nakikipagkwentuhan.

Napakunot naman ako ng noo.

"Anong nangyari dun? Bakit lasing na agad?"- kunot noo kong sabi.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon