Parang pamilyar sakin ang ganung pangyayari ah. To be exact, parang nanggaling na ko sa ganung sitwasyon. Oo ako nga ang tinutukoy ko. Sa totoo lang, ako ang taong nababalot ng napakaraming lihim sa buhay. Bat parang nakakatakot naman ata ang pagkakaexplain ko sa sarili ko? Hahahah. Ganun ata talaga pag masaya.

 

Well masaya kase ko dahil pinayagan narin kasi ako ni papa na pumunta sa Cuba kaya nga kinabukasan din, nilakad ko na agad ang papeles ko dahil urgent ang pangangailangan sakin dun.

 

"Shan!!! Grabe tingnan mo sa Seoul ngayon oh! Yung mga fans ni Seven kala mo may rally para mahanap sya! Pinalibutan nila yung Dream Entertainment para lang magpapresscon ulit at sabihin kung nasaan si Seven! Imagine?!"

 

"Kung ako sayo Kate, ititigil ko na yang kabaliwan na yan. Ni hindi mo pa nga nakikita yan ng personal. Sa tv mo lang nakikita at bihirang bihira pa. Ni concert nyan di mo pa napuntahan. Ano bang mapapala mo sa isang taong ayaw magpahanap? Kung ako sayo, uubusin ko na lang ang oras ko sa pag-asikaso ng negosyo ni tito. Isa ka pang pasaway eh. Idol mo ba talaga ko at ayaw mo rin hawakan ang negosyo nyo?"

 

"Hindi ko forte ang furniture business, Shan kaya wag mo na kong asahan jan. Kung makapag advice ka parang gustong gusto mong palitan ang papa mo. Isa pa, mas mabuti pang hanapin ko kung saan nandun ang mapapangasawa ko. Sa sobrang yaman nun, hindi ko na kailangang magtrabaho hahaha"

 

Sasagot pa sana ko ng magring ang extension phone sa kwarto ko. Mabilis ko naman sinagot yun para makaiwas na rin ako sa makulit kong bestfriend.

 

"Hello?"

 

"Nine" hindi agad ako nakasagot ng marinig ang boses ni John sa kabilang linya. "Hey Nine. Are you still there?"

 

"Ah yeah. Something happened?"

 

"Not really. I just wanna hear your voice. You didn't bother to call me since you got back"

 

Oo nga pala. Sinabi ni John na tawagan ko sya once na makababa na ko ng eroplano pero its already been three days since I'm back pero hindi ko parin sya tinatawagan. Actually sinadya ko talagang wag syang tawagan. Para ano pa? Tapos naman na ang papel ko sa buhay nya. As if namang babalik sya dito para sakin. Imposible yun sa sobrang hectic ng schedule nya.

 

"Just busy, John" nagulat ako ng biglang tumayo si Katy at mabilis pa sa alas kwatrong lumapit sa tabi ko para makiusyoso. Kung bakit naman kasi nasabi ko pa ang pangalan nya kaya naman para matigil tong si Katy, puputulin ko na ang tawag. "Actually John, I'm kinda busy today. I gotta go"

 

"Is that so?" I heard a hint of disappointment in his voice na kaya bahagya akong natigilan. "Alright then. I just wanna say I miss you"

 

Parang si Katy pa ang sinabihan ng I miss you dahil sya pa tong kinikilig sa tabi ko. Nakadikit kasi ang tenga nya sa phone kaya naririnig nya ang sinasabi ni John. Buti na lang hindi nya ko tinawag na Nine kundi lagot na.

 

"O-okay John. Gotta go. Bye" hindi ko na hinintay na sumagot sya and immediately hang up. Namiss nya nga ba talaga ko? O pagtanaw lang ng utang na loob yun sa pabor na hiningi nya sakin? Hay hindi ko na alam.

 

"Kaw Shan ha? Don't tell me kayo na? Aba pakasalan mo na--aray naman!" hinampas ko kasi sya ng throw pillow sa ulo dahil kung ano anong sinasabi nya.

 

"Wala pa sa isip ko ang magpakasal"

 

"What?? Gusto mo ba talagang maging old maid?? Baka akala mo twenty years old ka pa lang, Shan! Twenty eight ka na tapos wala ka pa ring boyfriend till now! Lagot ka pag napag-iwanan ka sa byahe!"

 

"Hoy parang ang laki ng agwat ng edad natin ah!"

 

"At least ako may Seven! Boyfriend ko na yun kaya hindi ako magiging old maid! Bleh!"

 

"Kapal mo! Ni hindi nga nun alam na nageexist ka sa mundo! Hahaha" binato nya din ako ng unan sa sobrang inis hahaha. Minsan pikon din talaga to eh.

 

"Bakit kasi hindi ka na lang kay Jiho? Naku mas boto pa ko dun kesa kay Eleven mo"

 

"Yuck!!! Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Isa pa may mahal na yun kaya malabo yan, Shan"

 

"So sino bang mahal nya at parang wala kang laban dun?"

 

"Eh di ikaw sino pa!"

 

Nanlaki ang mata nya at huli na para mabawi nya ang nasabi. Kahit ako parang naestatwa sa pagkakaupo sa kama habang gulat na nakatingin kay Katy. Seryoso ba sya dun? Ako ang mahal ni Jiho?? Teka teka mas lalong malabo yun. Magkaibigan lang kami. O ako lang ba talaga ang manhid para hindi mapansin yun dahil ayokong isipin na ganun nga?

 

"A-ano Shan--"

 

"Grabe nakakapagod mag-aral!!!" sabay kaming napalingon ni Katy sa pinto at alam kong parehas din kaming nagulat ng makita si Jiho sa pinto ng kwarto ko. Totoo pala yung speaking of the devil ano? Yun nga lang hindi devil si Jiho. Ang gwapo namang devil nito pag nagkataon. Wait ano ba tong pinagsasabi ko??

 

"Pinaakyat na ko ni Nanay Sonia eh. Nasurprise ko ba kayo na nandito ko, Shan? Hahaha"

 

Nagkatinginan na lang kami ni Katy at walang kahit isa samin ang makapagreact ng matino after what happened.

 

"Hoy anong nangyari senyo?! Mga mukha kayong nastroke jan ah hahaha. Shan may dala kong ice cream yung paborito mo. Tara sa baba" again, nagkatinginan na naman kami ni Katy kasi isang galon na ice cream lang yung dala nya which means para sakin lang talaga yun.

 

"So wala ako?" nakapamewang na sabat ni Katy.

 

"Wala. Bakit naman kita bibigyan? Si Shan ka ba?"

 

"Leche ka! Lagi mo na lang akong kinakawawa. Akina nga yan! Ako ang kakain nito diba Shan hahahah"

 

"Hindi nga kasi pwede! Kay Shan nga yan eh!"

 

"Isang galon to! Hindi nya mauubos!"

 

"Aish Katy!!! Akina sabi eh!"

 

"Ayoko bleh!" sabay takbo ni Katy palabas ng pinto ng kwarto ko. Mabilis naman syang sinundan ni Jiho at rinig ko pa ang mabibilis na yabag nila sa hagdan samantalang ako, eto pa rin at gulat na gulat as realization hits me.

 

Jiho...likes me?

Seven and Nine (FIN)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu