Chapter 1

17 1 0
                                    

It's good to be back.

Napapikit si Trixie para damhin ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Inikot niya ang tingin sa paligid habang inaalala ang mga nangyari sa kanya sa lugar na iyon.

Alas sais palang ng umaga at iilan palang ang mga estudyanteng gumagala sa campus. Fourth year high school na siya ngayon at pinili niyang bumalik sa Weiss Academy para harapin ang mga bagay na sadyang tinakasan niya noon.

"Three years didn't make such a difference. I thought there will be lots of changes by now," usal niya sa sarili.

Pinasadahan niya ulit ng tingin ang paligid bago siya nagpasyang dumiretso sa building ng High School department. Dumaan muna siya sa ladies' room bago umakyat sa room niya.

Magdadalawang buwan na rin simula nang bumalik siya sa Pilipinas pero ngayon lang ulit siya nakatapak sa dating eskwelahan. Bago pa man siya makauwi dito ay naiayos na ang mga kailangan niyang dokumento sa paglipat niya pabalik sa Weiss Academy.

Pumwesto siya sa pinakalikod ng room at nilagay ang bag sa ikalawang upuan mula sa aisle. Habang abala sa kakatingin sa paligid ng room ay may natanggap siyang tawag.

"Hmm?"

"Where are you?" Naiimagine na niya ang nakakunot nitong noo. Talagang pinanindigan nito ang pagbantay sa kanya.

"School," tipid niyang sagot.

"I told you to wait," may iritasyon sa boses nito at naririnig niya ang tunog ng mga sasakyan sa kabilang linya.

"You don't need to fetch me," balewala niyang sagot.

"Did you eat your breakfast?" Seryoso pa rin ang tono nito.

"Nope. I'm good. Bye." Binaba na niya ang tawag bago pa man ito magsalita ulit.

Hindi siya sanay na may laging nakabantay sa mga kilos niya kaya nauna siyang pumasok kahit na kabilin-bilinan ng daddy niya na sumabay siya kay Brian. Alam niyang hindi ito makatanggi sa ama kaya pilit nitong sinusunod ang bilin sa kanya.

Paunti-unti ay dumadami na rin ang classmates niya sa room at panaka-nakang nakatingin sa kanya. Marahil ay hindi siya nakikilala dahil sa itsura niya ngayon. Medyo maalon na ang dating tuwid na tuwid na buhok, may kulay na rin ito at di na kasing-itim ng dati. Nakasleveless dress din siya na malayong-malayo sa t-shirt at pantalon na lagi niyang suot noon kapag hindi nakauniform.

"Bes!" Isang matinis na boses ang pumailanlang at nakakuha ng atensiyon ng mga classmates niya. Halos lahat ay napalingon sa pintuan ng room nila.

Kumaway siya at nginitian ito habang walang pakialam na lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. Nagsimulang magbulung-bulungan ang iba kaya napailing nalang siya. "Old habits die hard."

"Alam mo naman pala, wag ka ng magtaka." Natawa nalang siya sa kaibigan na ngayon ay nakaharap na sa kanya. "Hey, wala pa ba ang mga kaibigan mo?"

Naiiling na inilipat niya ang tingin sa mga kaklase nila dahil alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. "Tss. Tigilan mo ako."

"Venice, transferee yang kaibigan mo?" Hindi nakatiis na tanong ng isa sa mga kaklase namin, mukhang hindi ko siya naging kaklase noon kaya hindi ko siya kilala. Napatingin din sa akin ang iba pang nandoon. "May bago pala tayong classmate."

"Ay, oo. Imported yan," natatawang sagot ni Venice. "May isa pa mamaya, antayin niyo."

Napakunot ang noo niya dahil sa binanggit ng kaibigan pero hindi na niya nagawang tanungin nang bumungad sa kanila ang nakabusangot na mukha ni Brian.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now