“Bakit hindi ka man lang nagpasundo sa amin?” tanong ni Cham habang magkayakap sila ni Sharm. Ang tagal nila sa ganitong pwesto, ngayon niya lalong naramdaman ang pangungulila sa kaibigan.

Narinig naman nila na umubo ang isa pa nilang kasama sa loob ng opisina parang nakalimutan na nila na hindi lang sila ang andito. Agad naman silang nagkalas at sabay na lumingon sa binata.

“Bes ang bagong boss ko pala si Ellsworth Benavidez and this is my bestfriend daughter of Mr. Alban si Sharm” maang na napatingin si Ellsworth rito at saka tumaas ang sulong ng kanyang labi tumayo ito at nilapitan si Sharm inilahad nito ang kamay at agad naman inabot ni Sharm. Namilog ang mata ng dalawang dalaga ng halikan ni Ellsworth ang  kamay ni Sharm.

“Oh such a gentleman, kaw pala yung business partner ni daddy I’m please to meet you Mr. Benavidez” nakangiting saad nito.

“It’s my pleasure to meet you too. Hindi ko alam na may maganda palang anak itong si Mr. Alban.” Nakangising sabi nito habang titig na titig sa kabuuan ni Sharm.

“Ikaw naman binola mo pa ako” sabay tapik naman ni Sharm sa balikat ng binata.

“No I’m just telling the truth hindi ako marunong magsinungaling especially like this early.” Nagulat si Cham sa nakita sa boss niya kininditan niya kasi si Sharm. Dahan-dahan naman siyang umalis sa tabi ng dalawa at umupo na lang ulit sa desk niya.

“Invite ko lang sana si Cham magcoffee do you wanna join if it’s okay?”

“Yeah sure let’s go.” Sagot ng binata at tinapunan naman ng tingin si Cham.

“Okay lang ba boss? Working hours pa” aniya,

Tumango lang ito at nagsimula ng lumabas ang dalawa sa pinto, dinala naman niya ang laptop para magawa ang mga deadline niya for today ayaw na niyang magovertime pa. Sa isang malapit na coffee shop sila pumunta.

“Bes bakit mo pa dinala yang laptop mo chikahan mode muna tayo maya na ang work mo.” Pansin ni Sharm ng makita siya nitong nagbubukas ng laptop.

“Okay lang bes kaya ko naman mag multi task ayaw ko lang magovertime mamaya” sabi nito sabay sulyap sa boss na kaharap.

Nagsimula ng magkwentuhan ang dalawa si Sharm at Ellsworth at mukha naman nagkakasundo na sila since pareho silang tumira ng America, si Cham naman ay busy na sa kanyang laptop at paminsan-minsan ay kinakamusta ito ng kaibigan kung okay lang siya since hindi siya nakikisali sa usapan ng dalawa.

Ngayon lang narinig ni Cham ang pagtawa ng malakas ng boss niya at mukhang pareho naman sila ni Sharm na masayang naguusap, sinusulyapan niya ang dalawa paminsan-minsan.

“Grabe noh malapit lang kaya kami doon sa San Jose lang kami maliit lang talaga ang mundo akalain mo dito pa tayo nagmeet” natatawang sabi ni Sharm.

“Oo madalas ako sa SanJose since we have some relatives there.” Masayang tugon nito.

“Do you have any siblings way back in America or dito ba sila nakatira?” saktong umiinom si Ellsworth ng tanungin ni Sharm at bigla naman itong nasamid at napaubo ng malakas. Agad naman na nagutos ng tubig si Sharm sa waiter at hinagod ang likod ng binata.

“Ah sorry nasamid lang ako.” Agad na sabi nito pagkatapos makainom ng tubig.

“Okay lang Cham kaw naman magshare ka naman what’s going on with you for the past few weeks” baling ni Sharm sa kaibigan, umangat naman ang ulo nito at nginitan ang kaibigan.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now