Pagkatapos nila kumain ay nagligpit lang ang mga ate ni Cham at agad na silang umalis. Unang hinatid ni Brandon si Cham, pagdating sa baba ng building ay pinagbuksan pa niya ito ng pintuan ng kotse.

“Thanks Nrab ingat kayo nila ate okay.” Mahinang sambit nito at agad na tumalikod.

“Mach don’t do this to me please, I’m hurting” hinila ni Brandon si Cham at agad na niyakap. Pero mabilis na kumawala si Cham sa bisig nito at tinignan ang binata ng may malamlam na mata.

“Nrab kung ayaw mo akong ganito please tanggalin mo na ang nararamdaman mo sa akin.” Agad na tumalikod si Cham papasok sa building.

“I don’t deserve you” mahinang pahabol niya pero hindi sapat para marinig pa ito ni Brandon.

Nanlulumo naman si Brandon sa kinatatayuan nito parang hindi na niya kaya pang maglakad, hindi niya alam bakit ganoon na lang ang pakikitungo sa kanya ng kaisa-isang babae na dumudurog ng puso niya. Hindi na niya naramdaman na napaluhod na pala habang sapo-sapo ng kamay ang mukha, ang masakit na ulo kanina ay lalong sumakit sa mga narinig mula kay Cham.

“Brandon” tawag ng dalawang kapatid ni Cham, hinagod nila ang likod nito para mahimasmasan, naririnig nila ang hikbi nito.

“Ate ano bang problema sa akin bakit pilit akong sinasaktan ni Cham? Gusto ko lang naman siyang mahalin yun lang.” kita ng dalawang kapatid ni Cham ang lungkot sa mukha ni Brandon wala naman silang magawa kundi ang aluhin na lang ito. Wala silang karapatan na pangunahan si Cham kahit sila ay hindi alam kung bakit ganon ang kapatid.

***

“Good morning Ms.Hontiveros do you already have the proposal for our new magazine?” bungad sa kanya ni Ellsworth pagpasok pa lang ng opisina nila. Hindi niya kaagad nasagot ito umupo muna ito at binuksan ang laptop nito.

“Ms. Hontiveros? Did you hear me?” paguulit nito.

“Yes I’m going to send you now the documents just wait a moment” walang ganang tugon nito.

Bukod kasi sa newspaper at komiks ay balak na din nilang maglambag ng sariling magazine ipangtatapat sa sikat na mens magazine. Naghire na rin sila ng mga sikat na photographer at mga possible models for their soft release next month.

“Okay I will wait for that. So sa tingin mo ba okay na ang name na napili ko?” tanong nito ulit.

“Yeah I think okay na yun. Everything is I think good to go na we just need to look for some other models na pwede mafeature sa flavor of the month since we already have the main model na for the cover” tugon nito na hindi man lang natitinag ang tingin sa laptop niya.

“Ok good meron na din akong contact for our advertisement so I guess were almost there we only have 2 weeks to finalize everything and kumpleto na din ang mga writers at editor natin and they said that they will send me all of their works this week”  tumango lang si Cham at sinimulan na ang susunod na paperworks na kailangan niyang tapusin

Namutawi na ang katahimikan sa kanila tanging tunog lng ng keyboard ang maririnig dito, napatingin sila pareho ng may nagbukas ng pinto.

“Besss oh my god I so missed you” maingay na bungad ni Sharm, kaninang matamlay na pakiramdam ay napalitan ng kasiyahan.

Matagal nawala si Sharm isa na kasi itong freelance model nung pagbalik nila sa Maynila ay siya naman na pagalis nito papuntang London para sa mga photoshoots niya.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon