Chapter 27.5: Fall For You

328 8 5
                                    

Justin P.O.V

Lagi ko naman naririnig kumanta itong si Pauleen pero ngayon, ewan ko pero feeling ko full of emotion yung kanta niya ngayon yung may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang mailabas lahat ng iyon. Kaya idinadaan na lang niya sa kanta. Pero yung kanta niya ngayon hindi ko maiwasan na isipin na ako yung pinaglalaanan niya ng kanta niya. 

This Is Me Praying That This Was The Very First Page

Not Where The Storyline Ends

My Thoughts Will Echo Your Name

Until I See You Again

These Are The Words I Held Back As I Was Leaving Too Soon

I Was Enchanted To Meet You

Please, Don't Be In Love With Someone Else

Please, Don't Have Somebody Waiting On You

Please, Don't Be In Love With Someone Else

Please, Don't Have Somebody Waiting On You

Pauleen ok lang ba kun isipin kong para sa akin yan? Na ako yung inisip mo habang kumakanta ka? Masaya ka ba talaga na makilala ako? Kung gagawin ko ba yung nasa lines mamahalin mo din kaya ako? Hayyy, ang daming gumugulo sa isip ko. Ano ba itong ginagawa mo sakin Pauleen? Alam mo pang pinahihirapan mo ako? Pero ano bang magagawa ko? Eh kung ganito na yung nararamdaman ko sayo.

"Hey, Justin. Are you ok Hijo?" tanong sa akin ng dad ni Pauleen.

"Ah, opo Tito ok naman po ako." sagot ko sa kanya.

"Justin, alam ko kung anong nararamdaman mo para diyan sa anak ko. Alam mo rin naman siguro na mahirap ang sitwasyon kung ipapagpatuloy mo yan, hindi naman sa dinidiscourage kita pero tandaan mo kung itutuloy mo yan kung ano man ang nararamdaman mo dapat handa ka sa kung anong pwedeng kalabasan. Kilala ko si Kevin, magkakilala kami ng parents niyan, mabait din siyang bata kaya hinayaan namin silang dalawa ni Pauleen, pero sa nakikita ko sa anak ko ngayon, masaya rin siya na kasama ka. Kaya sana kung ano man yung pwedeng mangyari, sana intindihin mo na lang. Alam mo naman kung anong sinasabi ko diba?" sabi ng dad niya.

"Opo, Tito naiiintindihan ko naman po eh, wag po kayong mag-alala kung ano man po yung mangyari nandito parin po ako para kay Pauleen." sagot ko.

Natapos narin yung trip namin dito sa Puerto kaya balik kami sa Batangas dahil kinabukasan eh balik eskwela na kami, haha, parang elementary lang yung dating eh no? Eto K.O lahat nung mga kasama namin, yung mga pinsan niya ayun magkakatabi sila dito sa likod ng van.

Pagkadating namin dito sa Batangas eh nagstay yung iba nilang kamag-anak sa bahay nila Pauleen. Si Pangs naman ayun nag-aayos ng gamit niya pati yung mga pasalubong sa kanya ng Mommy at Daddy niya.

After niyang mag-ayos eh binaba niya na yung mga gamit niya uuwi narin kasi kami ngayon, pumayag naman yung daddy niya basta dahan dahan lang daw sa pagmamaneho at tumawag daw agad pag may kailangan o kung nakadating na daw kami.

"Pangs, ako na bahala diyan maglagay sa sasakyan, mauna kana dun para makapagpahinga ka maaga pa tayo bukas eh." sabi ko sabay kuha na ng mga dala niyang gamit.

Naunana siya dun sa may sasakyan tapos ako naman naiwan dun sa may loob nila. Nag-usap muna kami ng Mommy at Daddy niya parang inihahabilin eh. Haha, pagkatapos nun eh tumuloy na kami sa labas.

"Dear, mukhang napagod ata ang baby natin ah, tignan mo at nakatulog na agad" sabi ni Tita Therese.

Ako naman inaayos ko na yung gamit sa likod. Tapos maya-maya pa eh nagpaalam na ako sa kanila.

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Where stories live. Discover now