Chapter 7: This is Goodbye

396 10 5
                                    

Sydney P.O.V

Nagmamadali na akong bumalik dun sa field baka kasi hinahanap na ako ni Kevin kung bakit ba naman kasing may kung anong pumasok sa isip ko na sundan yung lalaki na yun eh hindi ko naman sya nakilala ni yung mismong mukha nya nga eh hindi ko msyado maaninagan. Argh! Ano ba Sydney, nababaliw na ata ako! Kasalanan talaga nung lalaki na yun! At saka ano bang mapapala ko dun, at bakit hinabul-habol ko pa sya, eh hindi naman nya ako kilala at ganon din naman sya.

Hay, Syd! May boyfriend ka na, baka naman nakakalimutan mo, at napaka swerte mo dahil may boyfriend kang katulad ni Kevin. Kaya kung ano man yang gumugulo sa isi mo pwede ba ha, kalimutan mo na! At saka malamang wala namang kinalaman sayo yung lalaki na yun, baka isa lang sya sa mga stalker mo. hahahaha. TAMA! Simula ngayon wala na akong ibang iisipin kundi si Kevin si Kevin lang at wala ng iba.

Grabe! Sobrang nagtatalo yung isip ko, kung bakit naman kasi ganito yung effect nung lalaking yun sakin! Argh!!! Relax! Relax!

Nako, sana naman maabutan ko dun si Kevin, tiyak kong nag-aalala na yun sakin, kanina pa ako wala dun. Kevin my loves papunta na ako, siguro naman hindi ka umalis dun diba? Hinintay mo naman ako diba???

Sobrang nagmamadali na talaga ako pabalik dun sa field kahit na nahihilo na ako, siguro gawa naman yun ng panahon, pabago-bago kasi eh, medyo malapit narin ako, kumonti narin yung mga tao halos wala na akong matanaw na naglalaro dun sa may field, medyo dumidilim narin, nako, mukhang uulan pa ata, Kevin sandali na lang malapit na ako.

Humahangos na ako nung makarating dun sa may pwesto namin kanina ni Kevin, pero bakit ni anino ni Kevin wala dun? Umikot muna ako dito sa may field baka kasi nasa tabi-tabi lang sya.

"Ano ba!!!!!! Bakit ngayon pa umulan!" sigaw ko.

Hindi ako nagpaawat sa paghahanap kay Kevin kahit umuulan na, alam kong hindi sya aalis ng hindi nya ako kasama, pero bakit ganito yung pakiramdam ko ngayon? Bakit parang iniwan nya akong nag-iisa. 

"Kevin, nasan kana??"

Maya-maya pa may narinig akong papalapit sakin, tumingin ako kung san nanggagaling yung yabag. Hindi ko alam pero mula sa malayo naaninagan ko na kung sino sya. Pero habang papalapit sya ng papalapit biglang bumilis nung tibok ng puso ko, biglang napawi kung ano man yung takot na nararamdaman ko kanina, nung nakita ko yung kanyang mukha, parang bigla na lang gumuhit yung ngiti sa aking bibig. Hindi ko akalain na ganito pala yung epekto ng taong ito sakin. Nung nakalapit na sya nakita ko na yung sa mata nya yung pag-aalala nya sakin, pero nung hinawakan nya yung mukha ko biglang napawi yun, nakita ko kung pano sumigla ulit yung kanyang mga tingin. Ang sarap ng pakiramdam ko kasi NANDYAN NA SYA.

"Hindi ko akalain na darating ka."

Ayan na lang muna yung Chapter 7. Hehe. Maikli lang Madami kasing tumatakbo sa isip ko ngayon, kaya sa next Chapter na lang ulit. :DDD      Sino kaya yung dumating? :) si Mr. Right or Mr. Wrong?

Yung picture yan yung itsura nya yung nasa field sya tapos nakita nya yung mystery guy, :))

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Där berättelser lever. Upptäck nu