Chapter 3

519 14 24
                                    

Sydney P.O.V

Ayun tapos na kanina pa yung 1st class namin, kasama ko ngayon si Lacey papunta na kami ng Reyes Hall para sa next class namin. Ang dami na nga namin na pagkwentuhan nitong si Lacey eh, parang ang tagal na naming magkakilala hindi na kami nahihiya sa isa't-isa. Hindi ako nagkamali sa pagpili ng magiging kaibigan ko kasi yung pagkakita ko palang sa kanyan kanina alam kong magcli-click agad kami. hehe. habang naglalakad kami sa may hallway hindi naman mapigilan yung mga guys na magbigay ng kanya kanya nilang opinyon samin. Wala naman kaming magagawa eh, tska isa pa, maganda naman kaming dalawa ni Lacey yung nga lang mukhang shy-type itong kaibigan ko samantalang ako very outgoing type of person, gusto ko kasi yung nakikipag socialize bsta ganon ako.

"Hi, Beautiful. Where are you heading? Mind If I accompany you?"

"Hi! I'm @^!%) at your service ladies!"

"Hi, can I get your number?

At last nakarating na kami sa room, nsa 5th floor pa kasi yung room namin, tapos ang haba pa ng pila sa elevator buti na alng wala pa yung professor pagkarating namin. Tapos naghanap narin kami ng mauupuan naming dalawa ni Lacey. Maya-maya dumating narin yung prof namin, mukha namang mabait. Nako sana naman hindi ako matawag mamaya! LOOOOORD! ^_______^

"Hello class I'm Professor Bernadette Paraiso in FilA. Since it's just the first day of the class try to get to know your seatmate and classmate ok. Then afterwards I'll give you the course syllabus."

Tapos ayun nakilala ko naman yung iba naming classmate halos yung iba kablock naman namin. Tulad nila Katherine, Wendellyn, Ghie, Sherika (pero sabi nya Shake na lang daw), Carrie tapos yung iba pa. At tulad din sa first subject halos wala din naman msyadong ginawa. After lang magdiscuss ni ma'am ng nsa syllabus ayun, free time narin namin. Kaya mas nakapag bonding narin kaming magkakaklase. Maya-maya pa may biglang inannounce si ma'am Bernadette.

"Since Freshmen palang kayo siguro wala pa kayong napipiling organization, I suggest na ngayon palang pumili na kayo kasi unlike other courses hindi sila requires to join any club pero kayo as a Mass Communication students you are required to choose at least one of any organization or club that you are interested, it will help you in developing your skills and talent at syempre you'll get to know different person, and might as well open a lot of opportunities diba." panghihikayat ni Ma'am

 "Ikaw Syd, san kang org sasali?" tanong ni Katherine

"Hindi ko pa alam eh. Siguro mamaya magtitingin ako dun sa pavillion nandun daw naka pwesto yung iba't-ibang booth ng mga org. eh. Kayo ba? tanong ko.

"Kaming dalawa ni Katherine, nagdecide na sa Advoc sumali, alam mo na mahilig kasi talaga kami magsulat." sabi ni Wendellyn

 "Eh kayo Shake, Ghie at Carrie? San org kayo?" tanong ni Lacey.

"Magsisign-up sana kami pilang S.A (Student Assistant) para sa mga International Student meron kasi silang org tapos syempre kelangan ng linkage para sa different org dito sa univ. mas maganda daw kung merong Filipino student na member dun, para mas madali yung communication. Eh since into kami sa mga jpop, kpop at sa mga taiwanese stuff, then might as well join the international org ng school." sabi ni Ghie 

"Eh ikaw Lacey san ka?" Sabi ni Shake.

"Parehas kay Syd titingin muna kami dun sa Pav. para makapagdecide kung san ako sasali." sabi ni Lacey.

Tapos hindi na alng namin na malayan na tapos na yung klase tapos sabay-sabay narin kaming kumain ng lunch tapos nagproceed na sila dun sa mga sasalihan nilang organization. Nagdecide na lang kami na magmeet dun sa next class namin which is last class narin namin for this day. Eto nasa Pavillion narin kaming dalawa ni Lacey. Naghahanap na kami ng org nagdecide narin kami na magsama na lang kami para may kakilala naman kami.

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon