Chapter 4

464 9 9
                                    

Sydney P.O.V

Ayun 2nd day na ng class namin, wala naman msyadong nangyari the usual, lecture ng prof regarding the subject matter tapos yung mga important details and events to remember, Tuesday nga pala ngayon tapos bukas wala akong pasok yayayain ko sanang lumabas si Kevs kaso mukhang busy narin sya tska may pasok din sya bukas, hay medyo konti na lang din yung time na nagkakasama kami, pero ayos lang kasi kapag may time it's either he's calling or texting me o hindi kaya ako yung tumatawag at nagtetext sa kanya. Napag usapan narin kasi namin to na magiging limited yung time namin sa isa't-isa kapag nagcollege na kami so we decided na wag makipagcompete sa studies namin na kung kelan lang pwede dun lang, ayaw naman namin pagsimulan yun ng pag-aaway namin. We are trying to understand each other and to fill up kung ano man yung pagkukulang ng isa. Basta we both know our priorities at we support each other. Kaya love na love ko yan si Kevs eh. 

I'm loving you with every heartbeat of mine.

"Hey, are you ok? Parang kanina ka pa dyang tulala ah!" 

"Ah, sorry Lacey iniisip ko lang kung anong gagawin ko dun sa audition natin, hehe, wala pa kasi akong maisip na audition piece eh." yun na lang yung naisip kong palusot. Mukha namang naniwala sya. hehe

"Ako nga rin eh, wala pa akong maisip kung anong gagawin ko siguro sasayaw na lang ako. Hindi naman ako marunong kumanta at umarte eh."

Nagtataka siguro kayo kung bakit nag-uusap na naman kami ni Lacey na parang walang klase. Wag kayong mag-alala kasi pag nasa room naman kami nakikinig kaming dalawa nito ni Lacey pati narin yung mga friend namin good students ata kami. Ngayon vacant namin, kaya eto magkasama ulit kami ni Lacey at kung hinahanap nyo yung iba sina Kath at Wen ayun may urgent meeting ata yung org nila eh parehas na officer yung dalawa kaya ayun wala silang takas. Yung tatlo naman sina Ghie, Shake, at Carrie nandun nag-aasist para sa nalalapit na assembly ng org nila, grabe ano? 2nd day palang busy na, hehe, ganon talaga siguro, si Kev kaya ano kayang ginagawa nya ngayon?

Kevin P.O.V

Ngayon yung 1st day ng try-out para sa Basketball Men kaya nandito kami ni Paul ngayon, well kung tutuusin for formality na lang naman yung pagpunta ko dito eh, kasi kung tutuusin eh pasok naman na ako. Anyways madami ring gusto magtry-out ngayon, at magagaling din yung iba, pero syempre MVP to! haha. 

Tapos ayan, dumating na yung Basketball Team at talagang matatangkad ang lahat. 5'11 ata yung pinaka maliit sa team eh. Yung iba kilala ko kasi syempre napapanuod ko yung laban nila sa t.v at syempre pag may time nanunuod din kami ng live syempre kasama ko yung barkada namin at si Syd.

"Welcome sa Men's Basketball Team, and good luck sa lahat ng mag-ttry out." sabi ni Alvin. Sya yung Team Captain, 4th year narin sya ngayon.

"Ipakita nyo lahat ng skills na natutunan nyo sa basketball. Wag kayong maghiyang mag SHOW OFF kelangan din yan paminsan-minsan. At naghahanap din kami ng susunod na Team Captain alam nyo na gragraduate na rin itong si Alvin kaya galingan nyo OK!" sabi ni Coach Blue.

"Nako, pare ako ata yung pinariringgan ni Coach Blue na susunod na Team Captain eh" bulong sakin ni Paul.

"Oh! Kevin mabuti naman at tinanggap mo ang invitation namin na sumali ka sa team. Good Luck ha. Ipakita mo samin kung sino yung susunod na Team Captain" biglang pat sa balikat ko ni Alvin.

"Ah, sige. Tignan na lang natin, hehe." yun na lang yung nasabi ko medyo na flatter ako at na pressure dun sa sinabi ni Alvin eh.

Tapos ayun na tapos na yung try-out ipapaskil na lang daw next week kung sinu-sino yung mga nakapasok. Well, panigurado pasado na kami nito ni Paul. hehe, Itetext ko na lang muna si Syd namimiss ko narin yung princess ko na yun eh, buong araw ko din hindi nakita yun. Kamusta na kaya sya?

Sydney P.O.V

Nagtext naman sakin si Kevin sinabi nya na katatapos lang daw ng try-out nya para sa Basketball Team at mauna na lang daw ako umuwi dahil nag-aya daw yung coach at yung buong team para magkainan kaya hindi na daw nya ako mahahatid pauwi. Ayos lang naman sakin yun, at eto na nga pauwi na ako, msyado rin kasi akong napagod ng buong araw. Pag kadating ko naligo na ako tapos kumain tapos dumiretso na sa room ko para magpahinga hindi ko narin na itext si Kev na nakauwi na ako dahil msyado akong napagod, hindi ko rin alam pero parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*BBBBBBBBBBZZZZZZZZZZZZZZZZTTTTT*

20 missed calls and 38 new messages

Grabe sobrang sarap ng tulog ko hindi ko namalayan 9:00 na pala ng umaga. Tapos ayan na nga nung tinignan ko yung cellphone ko halos lahat galing kay Kevs na ngangamusta tapos yung iba kila Ghie, Shake, Carrie, Wen, Kat, at kay Lacey na nag good morning. Tapos yung last message galing kay Mommy.

From: Mommy

Hi, darling! How's school? Sorry, but we're still on a business trip. Hindi pa kami makakauwi ng Daddy mo. Don't worry sweetheart we'll just buy you your favorite things ok. Take care always. Love Mommy :)

Hay, lagi naman ganyan eh. Wala naman akong magagawa. Nag-ayos na lang ako naligo tapos kumain, I decided to go shopping para makapag-unwind man lang. Tska maghahanap narin ng inspiration para sa audition piece ko. Oh! wag kayong mag-isip ng ibang inspiration na meaning ha. Ang ibig kong sabihin eh idea para sa magiging audition ko. Tapos ayun umalis na nga ako ng bahay nagpahatid na lang ako kay manong karlo sa pinakamalapit na mall dito samin.

*SA MALL*

Ayun medyo madami narin akong pinamili, ganito kasi talaga ako kapag stressed eh. Dinadaan ko na lang sa shopping tapos kumain narin ako, habang naglalakad ako bigla na  lang akong may narinig na kumakanta sa di kalayuan. Familiar sakin yung song na yun, hinanap ko kung nasan yung kumakanta, medyo nasa last part na sya nung kanta tapos yung nasa malapit na ako bigla na lang tumigil. Hinanap ko kung sino yung kumanta pero hindi ko na sya nakita. Hindi ko alam pero very familiar sakin yung voice nya tapos may kung ano na nagtututlak sakin para lapitan kung san galing yun HIS VOICE IS LIKE A MAGNET TO ME, AND I AM THE METAL THAT IS BEING ATTRACTED BY IT.

Nagdecide na lang ako na umuwi tutal pagod narin ako tapos nagtext narin sakin si beb pupunta daw sya sa bahay dahil miss na daw nya ako, hay! miss ko narin yun kahapon ko pa hindi nakikita yun eh. Habang palabas na ako ng mall may nakabangga sakin pero hindi ko na tinignan kung sino nagmamadali narin kasi ako, pero narinig ko yung boses nya.

"SORRY"

yun lang tapos wala ng iba. bigla ko na namang naalala yung lalaking kumakanta kanina, parang may iba talaga sa kanya. Habang nasa sasakyan na ako, bigla na lang akong napangiti, ok na! Nagawa ko narin yung dapat kong gawin, nakahanap na ako ng inspiration para sa audition piece ko.

"and it's all because of YOU"

ayan tapos na po yung Chapter 4 :))) Please keep on reading po. heheh, tapos vote narin o kaya comment. salamat share share narin po.

Next Stop Chap 5 :)) ang pinakahihintay ko :DD

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Onde histórias criam vida. Descubra agora