Chapter 20: The Day We Said Goodnight

346 10 4
                                    

Sydney P.O.V

Nasa bahay na ako ngayon nagpapahinga after ng isang mahabang araw ito ang pinakahihintay ko yung makauwi na dito sa bahay at makapagrelax at least dito hindi ko na makikita yung bwisit na Yabang na yun. Argh! Ano ba Syd, forget about that jerk ok! Nandito ka para magpahinga at hindi para mastress grabe, hindi ko pa pala na itetest si Kevs na nakauwi na ako, baka nag-aalala na sa akin yun. Kukunin ko na sana yung phone sa bag ng bigla itong nagring. Nako, baka si Kevin na yun.

UNKNOWN NUMBER

+639270823****

At sino na naman kaya ito ngayon? Akala ko naman si Kevin na. T_T

"Hello?" sagot ko.

""

"Hello? Sino to??" at sino naman ito na hindi nagsasalita.

""

"Kung sino ka man na hindi nagsasalita diyan pwede ba tigilan mo ako at pagod na pagod ako ngayon, wala akong panahon para makipagbiruan sayo ok! At pwede ba kung hindi ka magsasalita diyan ibaba mo na lang ito, dahil kung magsasayang ka lang ng load mas mabuti pang ipasa mo na lang sakin yan kesa sayangin mo sa mga prank calls mo!" sabi ko, ha-ha-ha, hiningal ako dun! Ang dami kong sinabi.

"Easy ka lang kaya lalo kang PUMAPANGET eh!" aba, bwisit ito. Ah!

"Hoy! JUSTIN WAYNE SANTOS, kung wala kang magawa pwede ba, tigil tigilan mo yang pang bwibwisit sa akin." sabi ko sa kanya.

Wag na kayong magulat kung paano ko nakilala kung sino yung nasa kabilang line. Siya lang naman kasi yung tumatawag sa akin ng panget eh.

"Naks! Ikaw ha, kabisadong kabisado mo na ang pangalan ko, at take note hindi pa ako nagpapakilala alam mo na agad kung sino ito. Baka naman may gusto kana sa akin ha!" adik ba tong lalake na to?

"Excuse me, mangarap ka ng gising diyan, feeling mo! Ang yabang mo talaga!" sabi ko naman sa kanya.

"Oo, alam ko na kahit hindi mo sakin sabihin alam ko gwapo ako." aba ubod ng yabang talaga itong lalaki na ito!

"Bakit ka ba nanggugulo ha, at paano mo nalaman yung number ko? Stalker ba kita?" sabi ko naman sa kanya.

"Etong gwapo kong ito, STALKER? Kapal mo din naman no? Kung meron magiging STALKER sa atin IKAW YUN!" sabi niya sa akin.

"Hoy, sino ba sa ating dalawa yung tumawag ha? Diba ikaw? Pwede ba sabihin mo na lang kung anong kailangan mo at magpapahinga na ako! Sinisira mo yung gabi ko eh!" bulyaw ko sa kanya.

"Hahahaha. Sa totoo lang wala naman talaga akong kailangan eh. Sige. Good Night Pauleen"

"Good Night din Justine"

Ewan ko pero yung narinig ko yun parang ang sarap lang pakinggan. Hindi ko namalayan na napasmile na lang ako bigla.

Good Night Pauleen

Good Night Pauleen

Good Night Pauleen

Good Night Pauleen

ARGH!!! Anube paano naman ako makakatulog niyan, kung paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko yan.

Tapos bigla na lang nagring yung phone ko. Bwisit malamang si Yabang na naman ito. Ano na naman kaya yung meron? Ayos na yung mood kanina eh ano na naman kayang gusto nun. Wala sigurong magawa sa load yun kaya ganito na lang kalakas mantrip yun. Oh, baka iniisip niya na kinilig ako dun sa Good Night Pauleen. Argh! Kelangan hindi ko ipahalata kunyari galit ako. >:))

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Where stories live. Discover now