Chapter 18

321 7 0
                                    

Sydney P.O.V

Bwisit na Justin na yun, umagang-umaga bwinibwisit niya ako, kung bakit ba naman kasi na naging kaklase ko pa yun at worst pa nun magiging kapartner ko pa siya sa lahat ng magiging activity namin sa classroom. Pagminamalas ka nga naman oh. Argh! Saan nga ba ako papunta ngayon, nagmamadali kasi ako kanina lumabas ng room eh, paano ba naman simula pa lang nanggugulo na agad yung yabang na yun. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam ng maayos kina Lei, itetext ko na lang sila, basta ang alam ko ngayon ayoko munang makita yung Justin Wayne Santos na yun! 

Pupunta sana ako sa Mass Com Faculty Room papakiusapan ko sana si Ma'am Gonzaga tungkol dun sa pagiging magpartner namin ni Justin, wala naman akong ginawang masama eh, bakit ppinaparusahan ako ng ganito. Pero bago pa man ako makapunta dun sa Faculty Room may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Syyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyddddddddddddneeeeeeeeey" sigaw nung tumatawag sakin.

Hinanap ko kung sino yung tumatawag sakin.

"Oh, Ate Sarah, mukhang hingal na hingal ka ah." sabi ko sa kanya.

"Paanong hindi ako hihingalin eh kanina pa kaya kita tinatawag kaso hindi ka naman tumitingin tapos ang bilis mo pa maglakad." sabi niya yung makalapit na sa akin.

"Ah, pasensya na Ate ha, madami kasi akong iniisip" sabi ko hindi ko na naman maitago yung inis ko dun sa yabang na yun.

"Mukha nga eh, ayan oh nakikita ko na yung wrinkles mo." sabi niya sa akin.

"Weh? Talaga? Kasalanan ito nung Justin Wayne Santos na yon! Simula ng dumating siya sa buhay ko wala ng ginawa kung hindi paguluhin ang isip ko." sabi ko sa kanya.

"Hahahaha, ano ka ba, binibiro lang kita. So, Justin is the name, mukhang ang lakas ng epekto niya sayo at nagkakaganyan ka ah. Ikaw ha.."biro sa akin ni Ate Sarah.

"Ate Sarah talaga, may boyfriend kaya ayoko NEVER AKONG MAGKAKAGUSTO SA KANYA!" sabi ko sa kanya.

"Aba at defensive ang loka! Bakit may sinabi ba akong may gusto ka sa kanya? hahahah"  tumawa naman siya sakin. At talagang inaasar niya pa ako dun sa yabang na yun.

"Eh, kahit na basta hinding-hindi ako magkakagusto dun sa yabang na yun!" seryoso ako nung sinabi ko yan.

"Oh siya sige na hindi ka na magkakagusto kung hindi. Basta kung sino man yung Justin na iyon gusto ko na siyang makilala." sabi niya sakin.

"Nako, wag na Ate Sarah baka mabwisit ka lang sa kanya." sagot ko naman sa kanya. Totoo naman eh sa sobrang kayabangan nung Justin na iyon sino ba naman yung hindi mabwibwisit sa kanya.

"Halika na punta na tayo dun sa Audi baka naghihintay na sila sa atin." bigla hawak sa braso ko ni Ate Sarah.

Muntik ko ng makalimutan na ngayon pala yung general meeting namin, dahil ibibigay na yung script at sasabihin narin yung iba pang cast msyado kasing pre-occupied nung pag-iisip ko ng asungot na Justin na yun eh. 

Naglalakad na kami ni Ate Sarah papuntang Audi, grabe halos lahat ata ng makasalubong namin dun kilala si Ate Sarah grabe hinahangaan ko talaga siya napanuod ko kasi sa tape yung iba niyang performance grabe sobrang galing niya talaga kaya mas lalo akong naeexcite na makasama siya sa iisang stage eh.

Pagdating namin dun sa Audi ang dami ng tao, talaga ngang malaki itong produksyon na ito halos kalahati na ng Audi yung mga nandito eh. Pumwesto na kami ni Ate Sarah dun sa may unahang parte kasama na namin sina Ate Liezl, Ate Mich, Kuya Gab at si Kuya Francis. 

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kasama sa production na ito si Lei, malalaman niyo din kung bakit. Hehehehe

Maya-maya pa dumating narin sina Sir. Phillip at si Ma'am Lilian.

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Where stories live. Discover now