Chapter 25: Let's Stay Like This Forever

300 6 9
                                    

Sydney P.O.V

Pagkagising ko nasa bahay na pala ako, hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi ng bahay ang alam ko lang magkausap kami kahapon ni Justin tapos nun wala na akong maalala maliban dun sa tumawag sa pangalan ko. Nung narinig ko yung boses niya madaming nagbalik sa isip ko mga memories pero hindi siya ganon kalinaw, hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naaalala yung mga ganon, hindi ko alam.

Nag-ayos na ako ng sarili ko gusto ko muna magliwaliw wala lang gusto ko kasing mawala kung ano man yung nararamdaman ko ngayon, medyo naiinis pa kasi ako kay Kevin dahil dun sa ginawa niya. Basta gusto ko munang magpalipas ng sama ng loob ko kaya eto ako aalis ako ng bahay, hindi na ako nag-almusal nag-ayos lang ako tapos umalis na ako ng bahay.

Nakakatawa  kasi pagkalabas ko ng bahay wala talaga akong idea kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang umalis para makapag-isip.

Palabas na ako ng village namin ng bigla na lang may humintong sasakyan sa harap ko, hindi ko na lang pinansin, baka hindi naman ako yung kailangan nito. Dirediretso lang ako sa paglakad pero napapansin ko na sumusunod parin yung kotse. Nainis na ako kaya huminto ako tapos kinatok ko yung bintana ng kotse nung nasa harap ko na siya.

Justin P.O.V

Wala akong magawa kaya umalis na lang ako ng bahay namin pagkatapos kasi ng hectic na week namin parang gusto ko naman magliwaliw pero ang problema hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

Lumabas na ako ng bahay tapos sumakay sa kotse ko at pinaandar. Nung una paikot-ikot lang ako dun sa village namin, pero kinalaunan lumabas narin ako, sige lang ako sa pagdridrive pero may nakita akong babae na palabas dun sa village nakita ko kabuilt niya si Pauleen, kaya pinaandar ko palapit sa direksyon niya yung sasakyan ko, tapos hindi nga ako nagkamali si Pauleen nga, mukhang wala sa sarili kasi dirediretso lang siyang maglakad.

Sinundan ko naman siya, bumusina narin ako pero aba, wa epek kay Panget. Ano kayang nangyari dun, mukhang naapektuhan yung pandinig niya dahil dun sa matagal niyang paghihintay kagabi. Nakakatuwa talaga itong babaeng ito. Kaya sinundan ko lang pero maya-maya mukhang nakahalata na ata. Kaya ayun bigla na lang kinatok yung bintana ng kotse ko nung nasa tapat niya na ako.

TOK.TOK.TOK.

Binaba ko naman yung bintana ng kotse ko.

"Hey, Mister what's your problem ba ha?" sabi niya sakin, aba hindi ata ako namukhaan, nakashades kasi ako.

"Mukha ka kasing tanga kanina panget eh kaya sinundan lang kita."

Natauhan ata siya nung narinig niya yung panget kaya tinanggal ko narin yung shades ko.

"ANO NA NAMAN BA YUNG KELANGAN MO SA AKIN HA YABANG!!!!! WALA KA NA BA TALAGANG MAGAWA SA BUHAY MO HA!"

Aba ayos din itong babaeng to ah,kung makasigaw akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya ah.

"Hoy panget! Hinaan mo nga yung boses mo diyan nakakahiya ka eh. Ganyan ka na ba magpasalamat ngayon sa taog tumulong sayo kagabi ha?"

Natahimik siya dun sa sinabi ko nag iba bigla yung itsura niya. Naalala na naman siguro yung boyfriend niya. Psh.

"Ah, salamat pala kahapon ha."

"Oh, edi kung ganyan ka baka magkasundo pa tayo."

"Oo na sorry na. Peace" ^______________^v

Sabi niya tapos sabay ngiti at v-sign. Matitiis ko ba naman itong babae na ito. Hay, parang tinamaan talaga ako ng sobra dito. Kaso kelangan kong pigilan ang sarili ko, dapat lagi kong isipin na may boyfriend na siya.

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu