Chapter 14: The Concert

354 8 7
                                    

Sydney P.O.V

Tulad nga ng sabi sa isa sa mga kanta sa High School Musical 3 eh "Its gonna be a night to remember" hehe, wala lang hindi ko lang talaga maitago ang excitement ko dahil mamaya ng gabi yung much anticipated concert for freshmen students. Wala na kaming pasok ngayon kasi aayusin na daw yung mga mismong stage na gagamitin para mamaya, tapos madami din kasing iba't-ibang mga van na pumapasok sa vicinity ng university dala yung mga equipments tapos yung sa sound system basta halos yung buong field ng school ata dumadaan ngayon sa prep. 

Kaya eto text-text na lang kami nila Lei, Wen, Kat, Ghie, Shakey at ni Carrie para mamaya kung saan man kami magkita. Pero san magkita-kita kami, madami daw kasing inaasahan na darating na bisita, kahit na for freshmen daw yung hindi naman daw maiwasan na madaming manuod kahit hindi freshmen.

Medyo tangahali narin ako nagising sinusulit ko na eh, minsan lang kaya ito. Lalo na next week, tulad nga ng sabi ni Sir. Phillip eh pukpukan na daw, kaya ngayon pa lang kelangan sulitin ko na yung nalalabing oras. Haha. XD

Nag-ayos narin ako kasi mamaya eh darating narin sina Kevin at Paul. Yep, kasama namin si Paul mamaya, mas masaya kung mas madami eh.

*Ding-dong*





Yun malamang sina Kevin at Paul na yun. Kaya bumababa na ako nagtext kasi sila kanina na nagugutom na daw sila hindi pa daw sila naglulunch kaya sabay-sabay na lang kami tutal eh hindi parin naman ako kumakain dahil nga kakagising ko lang.

"Hi, Little Sis." bati sakin ni Paul sabay gulo niya ng buhok ko.

"Yah, kuya naman eh!" sabi ko sa kanya.

"Oy, Pol, tama na nga yan, ginugulo mo yung buhok ng Princess ko eh." sabi naman ni Kevin tapos inaayos niya kunyari yung buhok ko.

"Beb, nakahanda dun yung food, sabay-sabay na tayo hindi parin ako kumakain eh." sabi ko tapos sabay hatak sa kanila.

Pumunta na kami sa dining table, tapos naghanda na sila Nay Minda at Aling Rosie ng makakain namin. Hmmmmmm..sarap. :)))

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Where stories live. Discover now