Chapter 11: This is our FIRST?

387 10 5
                                    

Justine P.O.V

Naghahanap ako ngayon ng mapapagtaguan ko kasi kanina pa sunod ng sunod yung creepy na babae na yun, hindi ko nga alam yung pangalan nya, Sam, Alex o kung sino man sya, ang kulit-kulit anong akala nya magugustuhan ko sya sa pagbuntot-buntot nya sakin? NO WAY!!! Oo, alam ko gwapo ako malakaas yung dating ko pagdating sa mga chicks at alam kong chickboy ako, pero naman mga dude, yung mukhang yun? Asa naman sya! Hinding-hindi ko sya papatulan itong gwapo kong ito? Never! Over my sexy and hot body! 

Ah, pasensya na, hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo, pero kailangan pa ba yun? Eh halos lahat naman nakakakilala sakin, sya sige na nga. I'm Justine Wayne Santos. 17 years old. Mass Com Student, Freshmen. Late enrollee ako actually I've just arrived last week, madami kasing kelangan na lakarin na mga papers kaya hindi agad ako nakapasok. Well, yan lang naman ang kailangan niyong malaman sa ngayon. At ako, kelangan ko munang maghanap ng mapagtataguan ko, kasi baka makita pa ako ng monster na yun, sayang naman yung kagwapuhan ko.

Habang naghahanap ako ng mapupuntahan para pagpalipasan ng oras hindi ko alam kung san ako banda ng university napadpad msyado kasing malaki itong lugar tapos hindi pa ako ganon kapamilyar. Pumasok na ako sa building tapos sumakay sa elevator. Maya-maya sa paghahanap ko ng lugar para makapagtago eh pumasok ako sa isang pintuan, sinilip ko muna kung may tao at maswerte talaga ako at wala, pumasok na ako, wala naman kasing nakalagay na bawal pumasok eh. Tapos dun sa bandang gilid ng stage may nakita akong grand piano. Lumapit ako tapos sinubukan kong tumugtog. Hindi ko alam pero may biglang bumalik sa isip ko yung importanteng bahagi ng kabataan ko nun habang naririnig ko yung bawat kapa ko sa tiklado.

*FLASHBACK*

Hindi sinasadya namarinig ko yung pag-uusap ni Mama at Papa nun nung nasa kwarto sila, hindi nila namalayan na naiwan na bukas yung pintuan at ako naman walang kamalay-malay sa mga naririnig ko, hindi ko maintindihan gulung-gulo yung pag-iisip ko sa murang edad ko hindi ko alam kung paano ko uunawain bawat salitang narinig ko sa kanilang dalawa. Nagpasya akong lumabas ng bahay naglakad-lakad ako para makapag-isip. Sa sobrang gulo ng isip ko hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako at nasa tapat na ako ng isang bahay.

Narinig ko na may tumutugtog napakanganda ng piyesang gamit nya, para akong hinihila papalapit sa kanya. Sumilip ako dun sa may bintana sa may gilid na parte ng bahay nakita ko yung isang bata, tumutogtog sya ng piano, ang galing nya halata mo na bihasa na sya pagpagtugtog sa mura nyang edad maya-maya pa huminto na sya, hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang.......

*END OF FLASHBACK*

Nabigla ako ng may bigla na lang yumakap sa likod ko, napahinto ako sa pagtugtog at tumingin sa taong nakayakap sakin. Akalain mo yun sobrang galing naman ng monster na to at nakita nya pa kung nasaan ako. May sa halimaw ata talaga ito. Pagminamalas ka nga naman talaga oh. Kung bakit naman kasi sobrang gwapo ko eh. Sabagay wala naman akong magagawa, hindi ko naman kasalanan kung gwapo ako at habulin ako ng babae huh.

"Is that song for me honey?"  sabi nung monster, este yung babaeng hindi ko maintindihan, maganda naman sya sexy nga eh pero hindi ko lang talaga sya type.

"No, In your dreams!" sabi ko sabay tanggal dun sa pagkakayakap nya sakin, grabe naman kung makayakap sya gusto lang ata nitong mahawakan yung sexy at macho kong katawan eh, lalo na yung six pack abs ko.

"But, Justine! I love you, and I'll do anything just to make you mine." sabi nya, ang kulit, grabe, pero pasensya sya at wala akong panahon sa katulad nya, siguro kung flings lang pero hindi parin, mas magaganda naman yung mga nakaflings ko mga model pa yung karamihan, tapos ito pipichugin pa!

"Then stay away from me! And one more thing don't call me Justine as if we're close, and I hate girls like you" pasensya na pero yung gwapo kong ito, sayang lang kung ikaw yung papatulan ko.

*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK*

Yan yung tunog ng sampal nya sakin, grabe ang lakas ang kapal naman ng mukha nitong halimaw na ito na sampalin yung mukha ko, huh! Humanda kang babae ka, nako wala akong pasensya sa mga katulad mo, tska kahit babae ka akala mo hindi kita papatulan, aba, sinampal mo lang kaya ang mukha ng isang gwapo na si JUSTINE WAYNE IÑIGO SANTOS. Aba sa dinami dami ng babaeng nasaktan ko at binasted ko siya pa lang yung sumampal sakin. Humanda ka!

Akma na sana akong sampalin sya pero bigla na lang may kung anong anino akong naaninagan, tuningin ako dun sa kinaroroonan ng imahe nakita ko yung isang babae mukhang nabigla ata sa nakita nya at hindi makagalaw sa kinatatayuan nya maya-maya ay parang naging pamilyar sa paningin ko yung mukha nya. Pero bago pa lang maproseso ng utak ko ang lahat ay umalis na sya at dali-daling lumabas dun sa pinto.

Kasabay nun yung pag-alis nung halimaw na babae, nako, hindi man lang ako nakaganti dun sa pagsampal nya sa gwapo kong mukha, kasalanan kasi nung tsimosang babae na yun eh, biruin mo naman nakuha pang manuod samin, anong akala nya dito isang palabas? 

At naiwan na nga ako mag-isa dito, hindi muna ako umalis kasi wala naman akong gagawin eh, naalala ko na naman yung bata nung maliit pa ako, ewan pero yung nakita ko yung babaeng tsismosa kahit na naiinis ako dahil nakita nya yung pangyayari na yun eh hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya, pero kahit na. Pag nakita ko yun humanda din sakin yun, dahil sa kanya hindi ko nasampal yung halimaw na babae na yun. 

"Hay nako, mga babae nga naman.Psh!"

Aalis na sana ako, pero bago pa ako makarating sa pinto may biglang tumayo na lalaki dun sa may mga upuan. Ano ba ito, bigla-bigla na lang may susulpot ng wala sa oras. Ganito ba talaga dito sa university na ito, kung hindi may habol ng habol na halimaw may tsimosang babae tapos ngayon naman ano na naman ito! Kung bakit naman kasi dito pa ako pinasok ng matanda na yun eh. Kasalanan nya maayos na nga yung buhay ko dun, kung bakit pa naman kasi. Aish!!!!! Bwisit! Bahala na nga. 

Lalabas na sana ako pero biglang nagsalita yung matandang lalake.

"Narinig ko kanina yung pagkanta at pagtugtog mo, magaling ka. Baka gusto mong sumali sa Teatro?" tanong nung matanda. Hay, ano bang meron sa mga tao dito? Alam ko gwapo ako at magaling lahat na nga ng nanaisin ng isang tao na quality nasa sakin na eh pero pati ba naman matatanda?

"I'm sorry but I'm not interested, I'm busy." sabi ko na lang, sus, wag na baka lalo lang dumami yung mga fans ko. Tska ayokong mapagod no!

"I won't accept your answer right now. Pwede pa naman magbago ang isip mo, at kung magbabago man yun, bukas ang teatro na ito para sa isang talento tulad mo." sabi nya at saka humiga ulit at tinuloy kung ano man yung kanina nyang ginagawa.

"I would never change my mind. Maghintay kayo kung gusto nyo." tapos sabay na akong umalis.

Grabe ganito na ba kaweird yung mga tao ngayon? Dahil sa wala naman na akong maisip na puntahan at wala pa akong gana pumasok sa klase ko nagpasya na lang ako na tumuloy sa bahay ko, magpapahinga na lang ako at mamaya ay may pupuntahan na naman ako.

Yes. Done with Chapter 11 :)) Malapit na magkikita din ang mga dapat magkita.

Picture ni Justine nasa gilid :) I love him talaga :DD

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon