Chapter 22: Misunderstanding

319 9 2
                                    

Sydney P.O.V

Nagtataka siguro kayo kung bakit wala akong imik kanina yung pagkatapos kumanta ni Justin ano, hindi ko rin alam eh, haha, siya kasi yung bumalik siya dun sa upuan namin hindi naman siya nagsalita kaya hindi narin ako umimik nahihiya ako eh. Pero maliban dun may mga rason ako kung bakit ganon yung naging reaksyon ko.

Una, nabigla talaga ako na dun niya ako dinala alam niyo naman siguro kung bakit diba? Kasi nga naalala ko dun yung mystery guy na sinundan ko eh diba nga nagpromise na ako nakaklimutan ko na kung sino man siya. Pero yung dinala ako dun ni Justin iba talaga yung pakiramdam ko, parang meron akong isang bagay na maaring malaman ngayong gabi, pero natatakot akong matuklasan kung ano man iyon.

Pangalawa, dapat hindi ko kasama ngayon si Justin, dapat hindi ko maramdaman kung ano yung nararamdaman ko ngayon, kasi alam kong maaring mabigat yung maging consequences ng magiging actions ko ngayon, siguro hindi man ngayon mangyari yun pero alam ko in time may magigng kapalit kung ano man yung nangyayari ngayon.

Pangatlo, nabigla talaga ako dito sa ginawa ni Justin ngayon yung unang beses kong marinig yung boses niya, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon magkahalo yung emosyon ko parang sasabog na hindi ko maintindihan.

Pang-apat habang kumakanta siya madaming pumasok sa isip ko mga pangyayari na hindi ko alam kung totoo ba lahat ng yun, kung anong kinalaman ko dun, hindi ko alam naguguluhan ako.

 Pagkatapos kong maramdaman lahat ng yun nagpasya ako na umiwas muna kay Justin ang hirap parang kapag nandyan siya may iba akong nararamdaman, parang may mga bagay sa loob ko na gustong kumawala, parang binuksan niya yung isang parte ko na wala pa sinuman ang nakarating.

Normal P.O.V

Lumipas ang araw habang papalapit na ng papalapit yung araw ng pagtatanghal nila Sydney at Justin naging napakahirap para sa lahat ang pagsabayin ang kanilang pag-aaral at ang pag-ensayo para sa nalalapit nilang pagtatanghal. Dahil isabay mo parito ang nalalipit nilang Midterm Exam. Oo, tama kayo sadyang mabilis ang nagdaang araw dahil ang lahat ng mga tauhan ay naging abala sa kanya-kanya nilang gawain.

Sina Kevin at Paul ay naging abala sa pag-eensayo nila para sa nalalapit na opening ng Season 75 ng Basketball. Halos araw-araw kung sila ay magtraining kaya halos nawawalan narin ng oras si Kevin para kay Sydney pero gumagawa parin sila ng time para makita ang isa't-isa kahit parehas silang pagod ay kinikita parin nila ang isa't-isa. Para naman kay Paul nakakita siya rito ng magandang paraan para makalimot, makalimot sa lahat ng bagay na nagpapasakit sa kanyang kalooban. Hanggang ngayon ay isang lihim parin ito sa kanyang mga kaibigan dahil mas gusto niyang sarilinin naman ito.

Si Lei naman ayun, madalas na umabsent sa klase nila, hindi naman siya nagsasabi kung bakit, kaya hindi na lang muna kinukulit nila Sydney. Yung iba naman na kaibigan niya ayun busy din sa kanya-kanya nilang org sina Wendellyn at Katherine ayun busy sa paggawa ng bago nilang article icocover din nga nila yung production na paggaganapan nila Sydney at Justin. Sina Ghie, Carrie at Shakey naman busy din dahil may magaganap na exchange student na normally naman na nangyayari sa school madami kasing nag-aapply kaya sobrang busy nila to accomodate all the applicants.

At kung tungkol naman kina Justin at Sydney simula yung gabi na inihatid ni Justin si Sydney sa bahay nila ay naging malamig na ang pakikitungo ni Sydney kay Justin. Ikinabigla naman iyon ni Justin dahil wala naman siyang alam na ginawa niya na ikakagalit ng dalaga sa kanya. Kahit anong gawin ni Justin na pang-aasar kay Sydney eh hindi na siya msyadong pinapatulan nito, ikinagulo ito ng pag-iisip ni Justin, nagdaan pa ang mga araw at papalapit narin ang araw ng kanilang pagtatanghal halos nag-uusap lang sila kapag magbibitawan na sila ng mga lines nila sa isa't-isa.

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα