Chapter 8

382 8 2
                                    

Kevin P.O.V

Iniwan ko muna si Syd dun sa field para bumili ng ice cream mahilig kasing kumain yung babae na yun, alam kong kulang pa sa kanya yung pagkain na dala-dala namin, ayoko man sana syang iwan dun, kaso ayoko naman syang mapagod 10 mins din kasi yung lalakarin papunta dun sa ice cream parlor. Hindi naman aalis yun na hindi na nagpapaalam kaya kampante ako naiwan sya dun.

Maya-maya pa nakarating narin ako, tapos nung papasok ako sakto naman na may palabas na babae mukhang balisa tapos nagmamadali hindi ko rin gano nakita yung mukha nya natatakpan kasi ng buhok nya yung harap ng mukha nya, tapos dirediretso lang sya sa paglalakad hindi nya namalayan na nahulog yung panyo nya. Kinuha ko na lang ibibigay ko sana sa kanya pero yung pagkakuha ko hinanap ko sya pero pagkakita ko sumakay na sya dun sa kotseng nakahinto sa may gilid ng ice cream parlor.

Ewan ko, pero pagkatapos nung pangyayaring yun may naalala ako bigla, pero bigla naman akong natauhan nung tumunog dung wind chime dun sa may pinto ng ice cream parlor kaya dali-dali na akong pumasok baka kasi naiinip na dun si Syd eh, tapos ayun inorder ko na yung favorite nyang cookies and cream tapos isa pang scoop ng double dutch. Hindi naman halatang matakaw yun. Hehehe, syempre parehas yung binili ko, ang lakas kasing manghawa yung babae na yun, o baka sadyang inlove na inlove lang ako sa kanya na kahit yung mga ayaw ko na gusto nya eh nagugustuhan ko na rin.

Hindi ko narin minsan maintindihan yung sarili ko, pero alam ko lang sobrang mahal ko talaga yang si Syd, at walanng babaeng makakahigit sa kanya. Hay, ano ba yan ice cream lang yung inoorder ko tapos kung anu-ano na yung sinasabi ko, oh diba, nahahawa na ata ako sa pagiging madaldal ni Sydney pero ayos lang mahal ko yun eh! hahahah.

"Sir, eto na po yung order nyo, mukhang kanina pa po kayo ngiti ng ngiti dyan ah."

"Ah salamat. Iniisip ko lang kasi yung girlfriend ko. Cge."

Hay, akala naman nya sya yung nginingitian ko. Kahit magpacute pa sya si Syd lang ang cute sa aking paningin. Haha! Tama ata si Paul nagiging corny na ata ako. Ano ba Kevs, tama na nga yan at bumalik ka na sa princess mo at baka hinahanap ka na nun at worst matunaw pa yang binili mong ice cream.

Kaya ayun, lumabas na ako dun sa shop at naglakad na pabalik ng field. Hanggang sa ayun na nga nakarating na ako pero wala dito si Syd. Nilapag ko muna dun sa mesang malapit sa pwesto namin yung binili kong ice cream. Naghintay ako ng ilang sandali pero wala parin sya. Inisip ko na lang na baka nag cr sya. Kaya naghintay na lang ako. Ilang minuto pa ang nagdaan, pero wala parin, nagsimula na akong mag-alala nagcheck ako ng cellphone ko pero ni isa walang text galing sa kanya puro sa mga kaibigan ko tapos yung iba naman nakikipagtextmate hay nako, san na naman kaya nila nakuha yung number ko. 

"Syd, nasan kana ba? Hindi ka naman siguro aalis mag-isa diba?"

Tinext ko narin sya tapos sinubukan kong tawagan pero can not be reached yung phone nya, hay, san na kaya napunta yun? Baka may kumuha na dun, o kaya may mga lalaki na nambastos sa kanya. Arghhhh! Ano ba Kevin! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, nako, wag naman sana please! Hindi na talaga ako mapakali halos kalahating oras narin simula ng iwan ko mag-isa si Syd at hanggang ngayon wala parin sya.

"Kasalanan mo to Kevin eh! Kung hindi mo ba naman iniwan mag-isa dito si Syd edi sana hindi sya mawawala. Nako! Kung may masamang mangyari sa kanya, hindi ko mapapatawad yung sarili ko at kung may kumuha man sa kanya, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa kanya."

Kasalan ko talaga ito, sana sinama ko na lang sya at least hindi ganito tapos may time pa kami na kami lang dalawa. Nagpasya na akong umalis dun sa pwestong pinag-iwanan ko kay Syd hindi ko na kayang maghintay dun, yung tumayo na lang dun at maghintay kung kelan sya babalik, baka kung napano na yun eh. Kaya sa halip na maghintay ako dun at walang gawin nilibot ko na yung buong lugar, dun sa mga tingin kong pupuntahan ni Syd, kahit sa cr pumunta narin ako, pero syempre sa labas lang. Humingi na lang ako ng favor dun sa matandang papasok ng cr na paki tignan kung may babae na naka pink dun. Pero sabi nya wala naman daw.

"Nako, Sydney Pauleen Lauren Cruz nasan ka na ba? Alam mo bang kanina mo pa ako pinag-aalala"

Yan na lang nasabi ko kasi hindi ko na ata alam kung san ko pa sya hahanapin tumawag narin ako sa bahay nila ata ang sabi ni Aling Rosie wala pa daw. Kaya eto ako nagbabakasakali na matagpuan sya. Medyo dumidilim narin at nako mukhang uulan pa, mas kelangan ko na makita si Syd, pag ganito kasing pabago-bago ang panahon mabilis na sumama yung pakiramdam nya.

Hindi ko namalayan medyo malayo narin pala yung narating ko, may nadaanan na kasi akong resto bar mukhang madaming tao, tapos halos lahat nung nasa loob nagpapalakpakan kasi hanggang sa labas rinig na rinig mo. Siguro naman wala dyan si Syd hindi naman kasi sya mahilig sa lugar na madaming tao eh. Hay, ano bang ginagawa ko, kelangan ko ng mahanap si Syd.

"Syd, sabihin mo, ok ka naman ngayon diba? Wala naman masamang nangyari sayo diba?"

Argh! Ewan ko, naiinis na ako, hindi ako mapakali kaya bumalik na lang ako dun sa field habang naglalakad ako pabalik nagsimula ng umambon, hay, bakit ganyan, bakit nakikisabay ka pa, paano kung hindi pa nakakauwi si Syd tapos wala siyang masilungan ano na lang yung gagawiin nun, tumabok narin ako, ni hindi ko namalayan na sa paghahanap ko kay Syd eh hawak-hawak ko parin yung ice cream na binili ko dun sa shop. Kasalanan nitong ice cream na ito, hindi ko tuloy makita ngayon si Syd.

Nung makalapit na ako dun sa may field biglang buhos ng malakas na ulan, basang-basa na ako, si Syd kaya. Sana nasa bahay na sya o hindi kaya may nasilungan sya kung nasa labas man sya. Tapos nung nasa may pwesto na ako na pinag-iwanan ko kay Syd may natanaw akong babae.

Alam ko likod palang na sya yun, basang-basa na sya sa ulan, tapos parang may hinahanap sya pero hindi naman nya makita, lumapit na ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, tapos maya-maya naramdaman nya ata yng pagdating ko, humarap na sya sa kinaruruonan ko, grabe yung kaba ko at yung pag-aalala ko sa kanya napalitan nung makita ko yung ngiti sa labi nya. Feeling ko isa syang treasure na matagal ko ng hinahanap. nung Nakalapit ako sa kanya narinig ko na lang yung sinabi nya na.

"Hindi ko akalain na darating ka."

Nung narinig ko yun hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero alam ko lang hindi ko na ulit sya iiwan sasamahan ko na sya lagi at gagawin kong lahat para hindi na nya maramdaman kung ano man yung naramdaman nya nung dumating sya dito na wala ako.

Bago pa sya ulit makapagsalita ay nawalan na sya ng malay. Dali-dali ko syang kinarga tapos dinala ko sa sasakyan ko, naramdaman ko na nilalamig na sya, hinawakan ko yung noo nya, grabe ang taas ng lagnat nya siguro kanina pa sya naghahanap sakin dun sa ulanan. 

"Kevin, kasalanan mo to! Kung bakit mo kasi sya iniwan eh."

Ayan na po yung Chapter 8 :))) Salamat sa pagbabasa :))

Share and Vote narin, tapos leave any comment if you want. Thanks. God Bless!!

Yung gif po sa gilid yan yuung itsura ni Kevs nung nakita nya ang kanyang Syd :DD

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]On viuen les histories. Descobreix ara