Chapter 21: The World is OURS Tonight

324 9 3
                                    

Sydney P.O.V

Good Morning everyone! Hahaha. Maganda ang gising ko ngayon, siguro dahil yung nangyari kagabi, oh iniisip niyo siguro na yung tungkol yun kay Justin no? Hindi nagkakamali kayo. Hahaha (A/N: Wala naman kaming iniisip na ganon ah) Sus, syempre masaya ako dahil nagkausap kami ni Kevin, kaya nawala yung pagkabadtrip ko. Maaga ako papasok ngayon madami kasi kaming aayusin para sa school project.

"Good Morning Nay Minda, Aling Rosie." bati ko sa kanila.

"Aba poleng, mukhang maganda ata ang gising natin ngayon ah." sabi sa akin ni Aling Rosie.

"Hahaha, opo, nagkausap po kasi kahapon ni Kevin siya daw yung bahalang maghatid sa akin mamaya pauwi kaya excited na ako."

"Kaya naman pala ang saya-saya ng alaga ko, oh siya kumain ka na, diba maaga ka ngayon papasok? Baka mahuli ka pa." sabi naman sa akin ni Nay Minda.

Pagkatapos ko kumain umalis narin ako, dami na kasing tambak na gawin eh, tapos sabay pa yung sa Theater Guild. Pagkadating ko sa room binati ko na sila. Hindi na ako msyado nakakasama sa kanila sobrang busy ko na kasi nagtatampo na nga sila sa akin, si Lei rin madalang ko na lang makasama paano ba naman eh busy din siya laging maagang umaalis may inaasikaso daw sila ng parents niya at kailangan ay nandoon siya. Hindi narin kami masyadong nakakapag-usap alam ko kailangan namin yun ngayon dahil alam kong may gumugulo sa kanyang isipan. Basta pagkatapos lang nitong Production eh babawi talaga ako sa kanila.

"Goood Morning Panget!" hay sino pa ba kung hindi si yabang.

Parang kagabi lang medyo ok na kami ah, malamang trip lang na naman yung nangyari kagabi :( Eh bakit bigla akong nalungkot? Argh! Ano ba Syd. Ano naman kung trip lang yun wala kang dapat ikalungkot ok. Remember yung sinabi mo kay Ate Sarah na NEVER MO SIYANG MAGUGUSTUHAN!

"Oh, ano na namang kailangan mo at umagang-umaga nanggugulo ka na naman ha!"

"Eto naman si Panget nag good morning na nga sayo ang sunget mo parin! Hmp!"

Aba, at ako pa yung masungit ngayon eh paano naman ako matutuwa eh maggu-good morning na nga lang tatawagin ka pang panget! Anube! Ok sana kung Good Morning Pauleen. Edi sana nakinilig pa ako. Teka anong kilig ka diyan! YUCK!

"Ewan ko sayo, kung wala kang sasabihing maganda manahimik ka na lang diyan, kesa nambwibwisit ka!"

"$&#%!@#$%&!%#$@"

"ANO? ANONG SINASABI MO DIYAN?" bulyaw ko sa kanya.

"Wala sabi ko mamaya magpractice tayo dun sa mga lines natin."

"Ah, yun lang ba? Sige-sige mamaya pagkatapos ng class natin."

Yun lang pala yung sasabihin niya akala ko naman kung ano. (A/N: Uyyyy, anong gusto mong sabihin niya sayo?) Tse, mag-aaral na lang ako nandyan na si Prof eh. Tska text ko muna si Kevin sabihin ko sa kanya na hindi ,ay practice kami mamaya kaya hindi niya muna ako maihahatid pauwi.

Kevin P.O.V

Kagigising ko lang late ako nagising than usual hindi ko kasi ngayon ihahatid sa school si Syd eh sabi niya mauuna na daw muna siya maaga daw kasi siya papasok at may aayusin daw siya. Nag-insist naman ako sabi ko ayos lang naman kahit maaga na lang ako pumasok samahan ko na lang muna siya tutal medyo matagal narin kami hindi nagkakasama pero sabi niya wag na lang daw magpahinga na lang daw ako at alam niya na pagod daw ako sa mga practice namin sa Basketball.

Isa pa yung dahilan kung bakit wala na ako msyadong time para kay Syd dahil lagi na lang kaming may practice hangga't may nakikitang free time todo practice kami malapit na kasi yung opening ng Season 75 kaya kailangan paghandaan.

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon