Chapter 17

311 9 3
                                    

Sydney P.O.V

After last week totoo nga na pukpukan na ngayon, grabe kakapasok ko palang tapos ang dami ng text sakin nila Ate Sarah, Ate Mich, Ate Liezl at Kuya Gab tungkol daw sa meeting na gaganapin mamaya, naka finalize na daw yung lahat yung script pati yung theme ng production. Medyo kinakabahan na nga ako eh kasi wala parin akong ideya kung ano yung magiging tema maamaya hindi ko mabigyan ng justice yung mismong role ko, yung casting daw sasabihin na mamaya, nagpa-audition narin pala sila dun, matagal na palang naka handa yung mga ibang kailangan para sa play.

Ngayon nandito kami sa classroom, half day lang yung sked namin for this day, buti na nga lang dahil hectic ang schedule ko ngayon. Wala pa naman si prof kaya nagkamustahan muna kaming magkakaibigan. Halos lahat may hang-over pa dun sa concert eh. 

"Lacey, sayang at hindi ka naka panuod nung concert sobrang ganda." sabi ni Ghie

"Oo nga, Lei, saan ka kasi nagpunta hindi mo tuloy nakilala sina Kevs at si Papa Paul." sabi naman ni Wendellyn

"Sayang talaga, tapos alam mo pa, ang gwapo din yung last na nagperform dun sa concert mukha ngang siya yung star of the night eh, He's so HOT." sabi naman ni Shakey

"Sorry guys ha, may emergency lang talaga last time." sabi naman ni Lei.

Uusisain ko sana siya kung ano ba talagang nangyari sa kanya last time kasi mukhang may nag-iba sa kanya, medyo naging matamlay siya tapos ang tahimik bigla. Mukhang may gumugulo sa isip niya gusto ko sana siya tanungin baka kasi matulungan ko siya, pero bago ko pa man magawa yun biglang dumating na yung prof namin.

"Good Morning class, I want to introduce your new classmate. Kakaenroll niya lang last week. So, Mister you can now enter the classroom." sabi ni Ma'am Gonzaga.

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH

Grabe yung tilian ng mga babaeng kaklase namin kaya yung saktong tingin ko nakayuko yung bago naming classmate kaya hindi ko nakita yung mukha, pero maya-maya lang tumingin siya sa may direksyon ko.

"OH MY GOOOOOOOOOOOOD!" bigla akong nasabi, hindi ko naman akalain na napalakas yung pagkakasabi ko nun kaya napatingin silang lahat sakin lalong-lalo na si Ma'am at yung bago naming kaklase.

"So, Miss Cruz seems like you know Mr. Santos a lot. It seems like there is no need for further introduction." sabi ni Ma'am Gonzaga. Nahiya naman ako bigla kaya yumuko na lang ako.

"Grabe naman siya sobra naman siya makareact"  girl1

"Hindi naman halata na gusto niya si Justine niyan" girl2

"Grabe ang flirt naman niya diba may boyfriend na siya?" girl3

Aba! Akala mo naman kung sinong mga ito eh sila naman yung kaninang naghiyawan yung nakita nila yung Justin na yun. Akala naman nila gusto ko yun. Pagsasampalin ko kaya itong mga ito para makita nila. Ako pa yung malandi ngayon eh nabigla lang naman ako eh. Kasalanan ko ba yun?

"Mr. Santos seat beside Ms. Cruz, then Ms. Cruz dahil mukhang ganon ka na lang kaexcited nung makita mo si Mr. Santos help him to catch up with every lesson that he missed ok. Kayo narin ang magiging partner for every project natin." sabi naman ni Ma'am Gonzaga.

"Yes, Ma'am." yun na lang yung nasabi ko.

Tapos umupo na sa tabi ko itong si Justin. Nako Lord sana naman po magkasundo kami nitong Justin na ito.

Justine P.O.V

Umagang-umaga palang nagising na agad ako sa tawag ni dad. Nasabi na pala sa kanya ni Tito na nakapag-enroll na daw ako last week at simula nun eh hindi parin ako pumapasok sa kahit anong klase ko. Aba, at sino ba kasing may gustong pumasok dun, eh siya lang naman yung nagsabi na mag-aral ako eh. Eh kung hinayaan na lang niya ako dun sa States edi sana wala siyang iniisip ngayon.

Mr. Right or Mr. Wrong? [Ch. 31]Where stories live. Discover now