Chapter 56: The Truth

Start from the beginning
                                    

"Hindi Ice, nagmaling akala lamang sila dahil nilihim sa kanila ni Daddy na sya ang may sala sa pagkawala ng ala-ala mo. Nag-isip sila ng hindi maganda dahil sa hakbang ng Daddy ko na yun pero Ice maniwala ka sakin, Hindi yun sinadya ng Daddy ko. Isa pa, Anong kakampi ng Headmaster? Tinatanong mo rin ako ukol dyan, tinatanong mo ko kung kakampi ako ng Headmaster. Ano bang meron? Anong nangyayari?"- taka kong sabi.

Tila hindi mo naman maintindihan ang itsura nya. Tila masaya sya na malungkot na Ewan!

"Una, Masaya ako. Dahil wala kang alam sa nagawa ng Daddy mo sakin. Pasensya na pero akala ko kasi niloloko mo lang ako. Pasensya na kasi akala ko... May masama kang intensyon sakin kasi akala ko rin, sinadya ng Daddy mo ang nagawa nya."- saad ni Ice.

Bahagya naman akong ngumiti.

"Inasahan ko na yan, alam kong yan ang iisipin mo. Naiintindihan ko."- saad ko.

Ngumiti naman sya at pagkatapos ay nagsalita muli.

"Pangalawa, Ang tungkol sa Headmaster. Devin, Sya ang tunay na kalaban! Hindi sila Red at Black Mask ang kalaban ng DIA. Kundi ang Headmaster!"- saad ni Ice na ikinagulat ko.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now