Chapter 19

167 4 0
                                    

Chapter 19  

Monday ngayon. Heto ako, walang magawa. Tinapos ko na kasi lahat ng mga project kahapon para hindi ako magmamadali kapag natapos na yung sem break, yun nga lang, nawalan naman ako ng gagawin.   

“Hay ang boring.” Nagulat naman ako at napatingin kay kuya Haisen. Sem break din nga pala nila ano? 

“Kuya anong gagawin natin?”    

Nagpout siya nun tapos kumunot yung noo niya.   

“Tawagan mo nga si Japoy, baka mamaya may alam na gimik yun.”    

Tignan mo to, hindi na nahiya oh.   

“Kuya ano ka ba, nakakahiya ah.”  

“Dali na, ano, ikaw tatawag o ako?”    

Napahinga nalang ako ng malalim nun tapos tinext ko naman si Japoy. Grabe, nakakahiya talaga eh.   

Nagulat ako bigla nun kasi tinawagan niya ako. Nung sinagot ko naman eh narinig ko siyang nakikipagtalo kay Carrie.   

“Wrong timing ba? I’ll text you late---”  

“No it’s okay. Haha, si Carrie eh, ang kulit.”  

Natawa naman ako nun. Akala ko seryoso yung away nila. Buti nalang at hindi naman pala. 

“Umm, ano kasi..uhh, si Kuya Haisen kasi nagtatanong kung may alam ka daw na pwedeng puntahan ngayon..”    

“Hmm, mahilig ba manood ng sumasayaw si kuya Haisen?”  

“uh, okay lang. May competition ka?”  

“Nope. I was planning on watching one. Wala naman yung iba ngayon kaya wala akong kasama so..pwede kayo?”    

Napangiti naman ako nun. Tamang tama, gusto kong manood ng dance competition. Nagbabye narin ako sa kanya nun tapos sabi niya na pupunta daw siya ng mga 2 pm. Sinabihan ko narin naman si Kuya at ayun, tuwang tuwa. Anything is fine daw basta makaalis ng bahay. Kulit din eh. 

Dinala kami ni Japoy nun sa parang bar. Para siyang yung bar na napuntahan namin dati kasama ng Northside Crew pero parang mas modern itong napuntahan namin ngayon. 

“Hindi ko alam na mahilig ka pala magbar ah.”  

“Ay, hindi po. Yung dance competition lang yung pinupunta ko dito.”  

Tumango tango nalang si kuya nun. Ito talaga, tinulungan na nga kami ni Japoy na hindi mabulok sa bahay tapos ayan iaaccuse pa niya. Pasaway din eh ano?   

Nanood kami nun at ang gagaling nung sumasayaw. Napanganga nga kaming dalawa ni kuya Haisen nun eh tapos si Japoy eh nakangiti lang.   

 Nung natapos yung competition eh may mga lalaking lumapit kay Japoy tapos nakipaghigh five. Siguro nakilala niya dahil sa pagsasayaw? Nakakatuwa naman.   

Mga alas-6 na rin kami nakauwi nun. May nagshow down pa kasi pagkatapos nung competition kaya ayun, nagpumilit si kuya Haisen na panuorin lang namin yun kahit yun lang.    

Nagpasalamat naman kami kay Japoy nun kasi may isang araw na hindi kami namatay sa sobrang boring sa bahay. Bago siya umalis eh nag-usap muna kami. Ewan ko ba, sabi niya may sasabihin daw siya eh.   

Canon in DWhere stories live. Discover now