Chapter 34

148 5 0
                                    

Chapter 34  

Simula na ng retreat ng mga fourth year ngayon. Nauna ang section ni Nathan kaya may ilang days ko rin nakasama sina Dretti at Japoy lang. Okay lang naman sakin yun kasi nagsisimula narin talaga kami magpractice para sa presentation nung Canon in D.   

“Okay guys, one more time!”    

Maaga kami nakapagsimula ng practice nun kasi early lunch kami. Sinuwerte nga kasi yung mga teacher eh nagkaroon ng general meeting kaya ayun.   

Medyo nagstretch ako nun kasi sumasakit na yung likod ko. Nakaka-apat na ulit narin kasi ako tapos biruin mo ang haba pa nung kanta kaya medyo nakakapagod.   

“Teka Hanni, pahinga muna tayo. We’ve been doing this for 30 minutes now. Baka gutom na yung pianista oh.”  

Napangiti nalang ako nun. Medyo nagugutom narin kasi ako eh. nagpasya silang magbreak nalang muna tapos ayun, lumabas na kaming tatlo nina Japoy at Dretti.   

Bumili ako ng food nun kasi hindi ako nakapagbaon. Dun kami kumain sa tambayan namin tapos kumain narin kami. Nauna ngang matapos bumili si Japoy kay Dretti kaya ayun, nagkausap pa kami. 

“Nung Sunday..”  

“H-Ha?”  

“Nagbroadcast si Dretti..” kinuwento ko sa kanya yung nangyari nun Sunday tapos ayun, tango lang siya ng tango. 

“Eh di..mahal mo talaga siya?”  

“Ha? Ewan ko eh..”  

Napasimangot naman ako nun. Hindi ko talaga alam eh.    

“Diba sabi mo 9 out of 10 na? Eh di..baka oo.”  

Hindi na kami nakatuloy sa pag-uusap namin nun kasi dumating na si Dretti. Siya naman yung dumaldal ng dumaldal nun. Hindi nga siya maubusan ng kwento eh. Pati mga kalokohan ng katabi niya sa classroom kinukwento niya.   

“Andaya naman kasi eh..hindi ko kayo kaklase. Nagseselos tuloy ako.”   

Nagkatinginan lang kami ni Japoy nun tapos pareho kaming tumawa. Ewan ko ba, yung tawa ko eh parang pilit. Ang labo.   

“Wala ka naman dapat pagselosan eh..” tumawa siya nun tapos uminom.   

Bakit parang..kakaiba yung dating sakin nung sinabi niyang yun? Bakit biglang bumilis yung heartbeat ko nun? At bakit parang..ang sakit?   

Hay nako Hailey, nahihibang ka na yata.   

Nung 20 minutes bago magbell eh nagpractice ulit kami. Muntik muntikan na nga kami malate sa next class eh buti nalang dumaan pa ng CR yung teacher namin. Ayun, umabot naman kami.    

“Hailey, sabi ni Carrie dumaan ka daw. May ipapabigay siya eh. Para sa mom mo yata?”    

Tumango naman ako nun. Tamang tama ah. Bibigay ko yun kapag uwi nila ng March.   

“Ano ba yun?”  

“Ah yun? Parang book yata eh..”    Nung pauwi naman eh sabay kaming naglakad. Nagpaalam muna ako kay kuya Haisen nun na dadaan muna ako kina Japoy at ayun, pumayag naman siya. Pagkarating naman namin dun sa bahay nila eh agad niyang kinuha yung libro tapos inabot sakin.   

“Kain ka muna. Nagluto pala ng pasta si Carrie eh.”  

Nahihiya ako nun pero pinilit niya ako kaya wala na akong nagawa.    

Canon in DWhere stories live. Discover now