Chapter 4

224 10 0
                                    

Chapter 4  

Hindi ko siya nakausap ng buong umaga nun. Nagtataka nga ako eh kasi ang labo niya. Parang nung isang araw lang nakausap ko siya tapos ngayon? May nagawa kaya ako?   

Nung 5 minutes nalang bago matapos yung lunch break eh kinausap ko siya. Nakakapagtaka kasi talaga eh.  

“Japoy, galit ka ba?”    

Halatang nagulat siya nung kinausap ko siya. Tumingin kaagad siya sakin nun tapos umiling.   

“Hindi ah. Akala ko nga ikaw yung galit eh.”    

Pinansin ko siya nung umaga tapos galit ako? Saka isa pa, bakit naman diba?   

“Nope, hindi ako galit. Ikaw nga yung hindi namamansin eh. Binati kaya kita nung umaga.”    

“Oh??”  

Nag-isip pa muna siya nun tapos biglang lumiwanag yung mukha niya.   

“Nakaearphones ako nun eh. Napatingin ako sayo kasi naramdaman kong may tao. Hindi ko lang nakita na kinausap mo ko..”  

Ay, ganun pala yun?  

“Basta ayun. Bati tayo diba?”  

“Yup. Akala ko pa naman dahil dun sa kahapon. Kinukulit ko kasi kayo eh..”    

“Ano ka ba, wala yun no.”  

Tumigil na kami sa pag-uusap nang dumating yung teacher namin. Nakinig kami sa lesson nun at siya, gaya ng dati, nanghiram na naman ng ballpen sakin.   

Wala akong kasabay pauwi nun. si Nate kasi eh, iniwan ako. Lonely tuloy ako habang naglalakad. 

“Hey, wala kang kasabay?”    Napatingin ako kay Japoy nun. May kasama siyang lalaki nun tapos naglalakad lang din sila. 

“Absent si Nathan eh.”  

“Tara, sabay ka na samin.”    

Medyo uneasy ako nun kasi one, hindi ko kilala yung kasabay niya and two, paano sina kuya?   

“Err..”  

“Sige na, kesa yung mag-isa ka oh.”  

Tumango nalang ako nun. Yun na nga lang idadahilan ko kina kuya. Kesa mag-isa ako diba?   

“Nga pala, kaibigan ko si Dretti. Dretti si Hailey, classmate ko.”    

Wow, ang cute naman ng name niya.   

“Hello.”  

“Hi. Anong section mo?”  

“4-4.”   

Ngumiti siya nun tapos nakipagkamay pa. Habang naglalakad kami eh may kung anong pinag-uusapan sina Japoy at Dretti nun. Hindi ako makarelate kasi more on breakdancing yun. Hindi naman ako nao-op kasi once in a while, nagchachange topic sila.   

Mas mauuna palang makauwi sakin si Dretti. Kumanan lang siya sa street bago samin tapos naiwan na kaming dalawa ni Japoy na naglalakad.   

Nung nasa tapat na kami ng bahay…patay, kumpleto pa yung tatlo kong kuya.   

Canon in DKde žijí příběhy. Začni objevovat