Chapter 37

150 7 0
                                    

Chapter 37  

  

   

Nung second day eh concentrated sa family yung topic ng activities namin. Nagulat ako nun kasi may mga ibang classmate pala ako na mula sa broken family tapos ngayon ko lang nalaman. Sinupport naman main yung mga iba na may family problems at ayun, parang mas tumindi yung bond ng section namin. 

 

Nung last day na namin eh nagkaroon ng activity na nagconcentrate na sa love.  

 

“Ang love, it comes in many different forms. Akala kasi natin, ang love lang na nag-eexist eh yung love for our partners. Meron ding tinatawag na love for family, friends, work, school, and especially for God.”    

Pinag-group kami nun tapos binigyan kami ng papel at ballpen.   

“Now, I want you to write 3 love letters. Isa para sa family niyo, isa para sa friends at yung isa para kay God. Yung mga boyfriend at girlfriend niyo eh kasali na sa friends.”  

  

Nagsulat naman ako nun. Syempre, yung sa family eh para sa kanilang lahat. Nagpasalamat ako nun kasi hanggang ngayon eh hindi sila nagsasawang alagaan ako. Nung sa friends naman eh kay Nate ko na ibibigay yung letter. Syempre, mas matagal ko rin siyang naging kaibigan kaya ang sakit naman kung hindi ko sa kanya ibibigay. Saka isa pa, alam ko namang mag-eexpect yun kasi binigyan niya ako.   

After nun eh yung letter naman kay God. Nung una, humingi ako ng tawad kasi alam ko marami akong pagkakamali na nagawa. Pagkatapos eh nagpasalamat at syempre, nagwish na sana parati niyang ibless yung family and friends ko.   

Ang aga kong natapos magsulat ng letter nun. Napatingin ako sa paligid ko. Natigilan ako nun nung napatingin ako kay Japoy. Ewan ko ba, may something kasi sa kanya na..nagpapaiba sa nararamdaman ko. At dagdag mo pa yung DOKI DOKI na parati kong nafefeel kapag malapit siya. Ano ba talaga to?   

“Hailey..ikaw ah. Bakit ka nakatulala kay Japoy..” inasar asar ako ng groupmates ko nun tapos tumawa nalang ako. Nung natapos yung activity eh pinaghanda na kami sa confession saka para sa mass. Grabe, ang bilis lang lumipas nitong retreat. Gusto ko mang magstay pero, kelangan din namin bumalik sa reality. 

 

Gabi na nung dumating kami sa school. Traffic din kasi eh. Buti nga hindi kami nainip sa bus eh. Paano, yung ibang kaklase ko kakaiba yung mga trip. May mga nakikipagbet at kung anu ano pa.  

 

Magpapasundo na sana ako nun nang sabihin sakin ni Japoy na siya na daw ang maghahatid. Nagtext naman ako kaagad kina kuya para ipaalam sa kanila tapos ayun, okay naman daw.   

“Iniwan mo yung kotse dito??”    

“No, bago magretreat eh sabi ko kay Carrie na padala niya kapag mga hapon na sa araw na to.”  

  

Napa-ahh nalang ako nun tapos sumakay na kami pareho. Mabilis lang din naman kami nakarating sa bahay tapos ayun, nagpaalam na siya. Pagpasok ko naman eh sinalubong ako ng yakap ng mga kapatid ko. Sabay sabay nga silang nagsabi na namiss nila ako eh kaya ayun, halos mabingi bgingi pa ako.   

“Mga kuya..namiss ko din kayo.”    

Ngumiti sila nun tapos yumakap ulit. Nagbihis naman na ako sa taas nun tapos bumaba ulit ako sa may sala. Hindi pa kasi ako inaantok nun kaya nakipagkulitan muna ako sa mga kuya ko.    

Canon in DNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ