Chapter 15

194 6 0
                                    

Chapter 15  

Mabilis rin naman nakalabas si Japoy nun. Nagulat nga ako kasi patakbo siyang lumabas mula sa likod. 

“Matagal ba?”    

Umiling naman ako nun tapos sabay kaming lumabas. Bago pa nga kami makalabas eh inasar asar pa kami nung ibang kasamahan niya.   

“Bakit mo pala ako pinagstay muna?”  

“Uhm, kasi..sabay sana tayo.”  

Napa-ahh nalang ako nun kasi hindi ko naman alam kung ano ba dapat kong sabihin.    

Sabay kaming umuwi nun tapos kasama pa namin si Nate at si Dretti. Nakakatuwa nga yung dalawa eh, nagjijive talaga.   

“Nagkasundo sila oh.”  

“Oo nga eh,”  

Nagkatinginan kaming dalawa nun tapos nagtawanan kami.  

“Have fun okay?”    

Nakasimangot nun si Nathan. Friday ngayon, ngayon ang alis ng star gazing club eh para pumunta dun sa planetarium. 

“Tell me again why I’m leaving alone?”  

“Kasi, ayokong mamiss mo ang isang masayang activity dahil sakin. Kaya go on, wag ka nang magback out kundi lagot ka. Sisiraan kita kina kuya.”  

Huminga siya ng malalim nun tapos nagshrug siya at pumasok na ng bus.    

Nagpasundo ako kay kuya Hansel nun kasi wala akong kasabay pauwi. Hindi rin naman siya tinagal kasi malapit narin siya nung nagtext ako.   

Pagkauwi ko sa bahay eh medyo malungkot ako. Gusto ko kasing sumama eh.   

“Hails, wag ka naman ganyan. Pinapaguilty mo kami eh.”    

Ngumiti lang ako kay kuya nun tapos umakyat na ako sa kwarto. Nagulat naman ako nang biglang may nagtext sakin.   

Sender: Japoy Yuu  Message:  

Pnta k sa veranda nyo.    

Napakunot naman noo ko nun. Bakit?  Akala ko nung una nangtitrip lang siya pero sabi niya seryoso daw.   

Lumabas ako nun tapos sumilip. Kita pala dito yung kabilang side eh. nagulat nalang ako kasi biglang may parang light na dumaan sa mukha ko. napatingin ako sa may bahay nina Japoy tapos..may kumaway.   

Tinext ko siya kaagad nun at nagreply din naman siya.   

Sender: Japoy Yuu  Message:   

Yeah, tnamd na q pmnta eh.  

Nkpnta n xe aq dti dun.  

Ohh, kaya pala. Nagulat nalang ako nang biglang nagring yung cellhpone ko.   

Japoy Yuu calling..    

Sinagot ko naman kaagad nun. 

“Bakit ka tumawag?”  

“Wala lang. uy tignan mo oh, big dipper. Tapos yung orion’s belt pa.”    

Canon in DWhere stories live. Discover now