Chapter 32

153 5 0
                                    

Chapter 32  

“Walang hiya ka, bakit ka nananakot ah?”  

Umaga na, sumikat na yung araw at ayun, sina kuya eh hanggang ngayon hindi makaget over sa nangyari kanina. Akala kasi nila multo ako. Ang puti ko daw kasi tapos inilawan ko pa yung mukha ko nun.    

“Hindi ko naman sinasadyang manakot eh..”    

Napasimangot ako nun tapos yumuko ako. Nagulat nalang ako kasi bigla na akong niyayakap ng mga kuya ko tapos pinapat nila yung ulo ko.   

“Okay lang yan, dahil ang cute cute mo eh pinapatawad ka na namin..”    

“Oo nga. Tama na kasi sermon Haisen..”  

“Tama tama..wala na sa kuya yun..”  

Ang lalabo nila ano?  

Kinuwento ko naman kay Japoy ang nangyari at ayun, tawa siya ng tawa. Kahit nga nung nagkita kami sa simbahan eh tumatawa siya kapag napapatingin siya sa mga kuya ko. Hindi mo kasi iisipin na ganoon kalakas pala sumigaw yung mga kapatid ko eh. 

Nung nagmonday, whole day na yung practice. Bukas na kasi yung start ng Sports Festival at kelangan na ipolish lahat ng mga kelangang ipolish. Okay na naman na ako sa game ko nun. Sumali lang ako sa track relay. Nang matanong ko naman si Nathan eh sa Volleyball pala sumali. Si Japoy yung kasama niya dun eh tapos si Dretti naman eh soccer.   

“Hailey, may magpapractice sana tayo mamaya para dun sa Canon performance. Pwede ka?”  

Tumango naman ako nun tapos si Nate din daw sasama. Syempre, hindi naman ako papayagan kung wala si Nate eh.   

Nung wala nang mapractice yung batch namin eh binigyan kami ng time para mag-ensayo para sa games. Dahil track nga yung nasalihan ko eh hindi namin alam kung ano papractisin. Tumakbo takbo nalang kami nun tapos ayun, okay na kami.    

Hinanap ko naman sina Japoy nun. Dahil hindi pa sila tapos sa mga practice nila eh dumiretso nalang ako sa auditorium. Pinractice ko lang yung pagtugtog ko nun at ayun, napangiti naman ako kasi kaya ko pa naman siya tugtugin.   

“Hailey..”    

Nagulat ako nun kasi biglang nasa side ko na pala si Dretti, hindi ko lang napansin.   

“Oh Dretti, ikaw pala.” Shoot, hindi ko na naman siya natawag na DK.   

Napapikit ako nun pero tumawa lang siya.    

“Kung hindi mo kaya okay lang sakin. Kung saan ka mas sanay eh di yun nalang..”  

Tumabi siya sakin nun tapos may tinugtog siya. Simple nga lang eh, para bang yung pang mga beginner.  

“Tawag diyan, chopstick.”  

“Ang cute naman..”  

May iba siyang tinugtog nun tapos ngumiti siya.   

“Yan naman eh, Stay.”    

Natuwa ako nun kasi ang kulit nung beat nung tinugtog niya. Parang pangbata na hindi mo maintindihan.   

Magaling palang tumugtog itong si Dretti eh. Natugtog niya nun yung Take a Bow ni Rihanna saka yung Wonderwall. 

“AT eto..para sayo..1234.”  

Canon in DWhere stories live. Discover now