Chapter 17

170 5 0
                                    

Chapter 17  

Bigla akong tumama sa table nun sa sobrang shock. Grabe naman, akala ko kung ano! Kung anu ano pa man din yung naimagine ko..nako, girlfriend lang pala.   

“Ano ba yan, pinakaba niyo naman ako. Naimagine ko tuloy na gangster company pala yung napasukan mo tapos nahuli kayo sa panloloko at makukulong ka na..”    

Binatukan naman ako ni kuya Harvey nun tapos tumawa siya. 

“Ito naman, gagawin mo pa akong swindler.”  

“EH kasi yung mga expression niyo, parang may natalo sa lotto eh.”    

Natawa silang lahat nun tapos nagpakwento ako tungkol dun sa babae. Sobrang okay naman pala eh, mabait, magaling magluto tapos maalaga daw. Niloko pa nga ni kuya Haisen na pwede na daw pakasalan eh pero ayun, nabatukan lang siya nung dalawa naming kuya.   

“Oh siya, may gagawin pa ako. Family conference dismissed.”    

Natawa naman ako nun. Kulit din nitong si Kuya Hansel eh.   

Umakyan na ako sa kwarto nun at nagcomputer nalang. Nang mang-online ako sa Ym eh may nag-add pala sakin. Inaccept ko naman kasi nakalagay dun sa “write something” chuchu na si Dretti daw yun. 

  drettinetics_love: hey hails!  mango09: uy, bakit drettinetics? Diba, pangalan ng fans club mo yun?  drettinetics_love: haha, ako naman may pasimuno nun eh. X]    

Haha, ang kulit din nito eh. Siya pala nagbigay ng pangalan sa fans club niya?? Uy, pareho pala kaming bracket ang ginagamit kapag smiley? 

  mango09: pati yung iba ganun din?  drettinetics_love: nope ako lang. hihi ;]  mango09: buti di nila iniisip na overconfident ka.  drettinetics_love: ha? Bakit naman?  mango09: eh kasi sure ka na may  fans club ka kaya may name ka kagad para dito.    

Oo nga, kasi kung sa kanya nanggaling yun, parang ganun yung labas nun. 

drettinetics_love: haha, hindi naman ako naglabas ng drettinetics eh. Nagcreate ako ng account sa friendster tapos nagcomment ako sa sarili ko. Hahah X]    

Aba, mautak ah. 

Nagkwento pa siya nun sakin tungkol sa history ng Northside Crew. Sinabi niya na dapat pala Southside Crew yung name nila kaso taken na daw ang “Southside”.  Eh dahil wala silang ibang maisip na name eh yung Northside nalang napili nila. Cute naman eh. 

  drettinetics_love: uhh hails sige, goodnight na. gagawa pa ako ng steps eh. :|  mango09: sige goodnight :]  drettinetics_love: naks, pareho sige sige. \(^_^)/  \(“.)/ ---> (_(IIII))v    

Eh, ano yan? 

mango09: ano naman yan?  drettinetics_love: SECRET! :P Haha. Night!  drettinetics_love signed out.    

Ang daya ah. 

Naglog out narin ako nun kasi wala na akong ibang makausap. Nung tinignan  ko nama nyung cellphone ko eh may nagtext.   

Sender: Japoy Yuu  Message:  

Hello ü  

Canon in DWhere stories live. Discover now