Chapter 36

158 3 0
                                    

Chapter 36  

Ang una kong masasabi dun sa lugar kung saan gaganapin yung retreat namin ay, sobrang ganda. Nakakarelax yung view. Ang presko, ang lamig ng hangin tapos ang tahimik. Parang ang sarap tumira sa ganitong lugar. Malayo sa mabilis at busy na city.   

“Oh guys, dalian niyo na’t ipasok niyo na yung mga gamit niyo sa quarters niyo. Magsisimula tayo in 10 minutes okay?”    

Tumango naman kami nun tapos pumunta na kami sa designated rooms. Lahat ng girls magkakasama at lahat ng boys magkakasama. Nakakatuwa nga eh, kahit papaano, mas makikilala ko narin yung mga kaklase kong babae. Iilan lang kasi yung talagang nakakausap ko eh, yung mga katulad lang ni Jila na parating kapansin pansin.   

“Uy girls! Mamaya open forum tayo para masaya!”    

Natawa kami nun tapos ayun, napagkasunduan na mag-oopen forum mamaya. Pagkatapos naman namin mag-ayos ng gamit eh dumiretso kami sa session hall tapos inintay namin yung speaker. Nagulat nga kaming lahat kasi biglang may pumuntang lalaki sa gitna tapos in-on niya yung stereo at bigla siyang sumayaw. Nawala yung katahimikan nun kasi lahat kami natawa.   

“Ayan, buti naman at gising na gising kayong lahat. Okay, ako nga pala si Kuya Oka pero tawagin niyo nalang akong kuya O. Okay?”    

Tumango naman kaming lahat nun tapos ginrupo niya kaming lahat. Magkaiba kami ng Group ni Japoy nun. First time nga eh. Halos lahat kasi ng class activity namin eh kaming dalawa yung magkasama. Ito lang talaga yung time na hindi.   

“Wow, si Japoy at si Hailey napaghiwalay!”   

Napangiti naman si Kuya O nun tapos tinanong niya samin kung sino yung kinantiyawan. Tumayo naman kaming pareho ni Japoy nun tapos tumawa siya.   

“Okay lang yan, may times talaga na kelangan niyo maghiwalay muna para hindi magsawa. Okay, sa ating unang activity..ito ay tinatawag na..”    

Teka, maghiwalay para hindi magsawa?    

Una naming ginawa eh nagparang group discussion. Sharing lang muna ng experiences tapos pinaggawa kami ng presentation tungkol sa pinag-usapan namin. Nakakatuwa nga yung mga ginawa ng ibang group eh, gumawa pa sila ng “drama” tapos may pa-acting acting talaga. Mas magaling yung naisip nung isa kasi sinayaw pa nila. Tipong, interpretative dance ba.   

“Okay, ngayon mas kilala niyo na ang iba, magkakaroon tayo ng rotation.”  

Pinaupo kami sa isang row nun tapos bawat taong makakatapat namin eh may sasabihin kami sa kanila. Kahit ano, magsosorry man o magpapasalamat.    

Nakakatuwa yung mga nakatapat ko kasi puro sila pang-aasar kay Japoy. Nasanay narin ako nun kaya wala nalang din sakin yun. May iba naman na ayun nagpapasalamat kasi nagcocooperate daw ako.   

Nung nakatapat ko si Japoy eh nginitian niya ako tapos hinawakan niya yung kamay ko. Nagulat nga ako nun kasi siya lang yung gumawa nun sa mga nakatapat ko.   

“Japoy..?”  

“Maraming salamat Hailey..sa lahat..”  

“Ako ang dapat magpasalamat..ang dami mong nagawa para sakin eh.”    

Natapos yung rotation nun tapos nagulat kami kasi biglang nagpatugtog yung speaker.   

“SA buhay natin, may mga hindi tayo maintindihan. May mga misunderstandings at may mga pagkakamali tayong nagawa..”  

Canon in DOù les histoires vivent. Découvrez maintenant