Chapter 7

229 8 0
                                    

Chapter 7  

  

  

  

“Ano ba yan Nathaniel! Pinagkatiwala ko sayo yung kapatid ko tapos eto naging pabaya kayo!”  

  

Yeah, sinesermonan kami nina kuya nun. Take note, TATLO pa silang nanenermon so syempre, kawawa kami ni Nate.   

“AT ikaw naman Hailey, hindi porque ipinagkatiwala ka na namin eh hindi ka na magiging responsible. Kaya ka nga binibilhan ng relos para alam mo kung anong oras ka uuwi tapos ganito.”  

  

Well, hindi ko rin sila masisisi. Ayaw kasi nila na nasa labas pa ako ng lagpas 6 eh mga 7 na kami nakarating. Malayo pala sa bahay namin yung bar na yun tapos sa kamalas malasan pa eh sarado yung shortcut kasi may event.   

“Saka syempre kaya nga kayo binibigyan ng CELLPHONE para macontact niyo kami in case na gabihin kayo diba?? Para naman hindi kami nag-aalala.”  

  

“Kuya..sorry.” sobrang naguilty ako nun talaga eh. Hindi ko nga naman naisip na, matext man lang sila o matawagan. Napayuko ako nun tapos nagulat nalang ako kasi niyayakap nila akong tatlo. 

 

“Nako, okay lang yan Hails, sige pinapatawad ka na namin.”  

  

“Oo nga, wag ka na malungkot..wag kang iiyak..hindi na galit ang kuya..”    

“Oh anong gusto mo at bibilhin namin..grabe ang cute mo talaga.”  

  

Napakunot yung noo ko nun kasi biglang nagchange yung mood nila. Sobrang hinuhug talaga nila ako nun tapos ginugulo gulo yung buhok ko.   

“Ehem, mga kuya naman..”  

  

“Ikaw…ikaw lang naman kasi ang nandamay dito Nathaniel eh.”    

“Oo nga, dapat banned ka dito for 1 week!”  

  

“Oo, tapos kakausapin namin dapat yung mga magulang mo para magrounded ka na rin.”    

Sobrang nanlaki yung mata ni Nathan nun tapos sobrang nakakaawa yung hitsura niya.   

“Kuya naman..kasalanan ko rin yun kaya dapat ako din grounded..”    

Hinug ulit nila ako nun na para bang napopossess sila tapos humiwalay din after.   

“Oh siya, sige na nga. Para patas, grounded ka for 1 week Hailey at banned ka for 1 week dito sa bahay namin Nathaniel.”  

  

“Kuya naman!”  

  

“Gusto mo two weeks??”  

  

Tumahimik nalang si Nathan nun tapos tumango siya.   

Canon in DWhere stories live. Discover now