Chapter 21

164 5 0
                                    

Chapter 21    

“Eto nabili ko sa may bookstore! Sabi kasi dun sa guidebook ko eh effective daw to na makakatulong mahanap yung true love ko!”    

Habang palapit ng palapit yung dismissal eh parami ng parami yung tao na nag-uusap tungkol sa Arc of Love. Nagulat nga ako na kahit yung adviser namin eh naniniwala dun. Biruin mo, every year pala niyang dinadala dun yung boyfriend niya. Wow no?   

May iba naman na parang nagprotest. Kasi kahit hindi na daw high school eh naniniwala pa dun. Tumawal ang si miss nun tapos binaba muna yung libro at chalk na hawak niya.   

“Alam niyo class, walang masama kung maniniwala ka sa mga ganitong bagay. Basta hindi ka masasaktan at hindi ka makakasakit eh ayos lang yun.”    

Natahimik naman yung mga nagsasalita tapos ayun, nagtuloy narin kami sa lessons.   

“Narinig mo yun Hailey? Wala naman daw masama..”  

Tinawanan ko lang siya nun tapos tumango tango ako. “Eto nga sasama na diba?”    

Nung dismissal eh kina Nathan kami tumambay. Kinuha naman ni Japoy yung kanyang kotse nun tapos dinala niya kina Nate. Nag-dvd marathon lang kami nun tapos kumain ng kumain. Nung mga 8 na eh nagkayayaan na mag truth or dare. Syempre, dehado ako dun.   

“Yon! Oh Hailey, truth or dare?”    

Tumingin ako sa kanya nun tapos kina Nate at Japoy. Parang kahit saan ko tignan eh may hindi magandang maiisip itong si Dretti eh.   

“Uhh, truth?”  

“Perfect! Kelan birthday mo?”  

Napahinga naman ako ng malalim nun. Sabi ko na eh.   

“Hay nako Dretti, kahit anong gawin mo eh hindi mo mapipilit yan. Ako nga eh halos 10 years ko nang tinatanong pero hanggang ngayon wala parin akong nakukuhang sagot.”  

Narinig ko siyang nagsabi ng “man” nun tapos iniba nalang yung tanong. Yung tipong, sino yung pinakaayaw ko sa class at bakit. Simple stuff.   

Nung natapat naman kay Nate yung bote eh inintriga pa kaming dalawa. Kakaiba rin kasi mag-isip itong si Dretti eh. 

“Nate, ikaw ba eh never kang nafall dito kay Hailey? I mean, gaya ng sabi mo, halos 10 years na kayong magkasama. Never ka bang nakafeel ng …alam mo na, love?”    

Nagkatinginan kami ni Nathan nun tapos sabay kaming tumawa ng malakas.   

“Jeez no. No offense kay Hailey pero iba yung type ko ng girl.”  

Naghigh five kami nun. Alam ko naman yun eh. Kaya nga nag-approve sina kuya diyan kasi alam nilang never mafafall sakin itong si Nate.   

May mga dare din naman na ginawa. Yung iba eh talagang out of this world. Buti nga may mga hindi na tuloy. Biruin mo, gusto kaming patakbuhin ni Dretti sa street tapos sumigaw ng “I love you Mrs. *****.  Eh yun pa naman yung kapitbahay nina Nate na talagang bugnutin.   

“Ikaw dude, kanina ka pa tumatakas. Buti at nagtruth ka din. Sige uhm…may gusto---”    

“Sino na yung mga natatanungan mo about sa birthday ko?”  

Napatingin sakin si Dretti nun. Tumawa naman si Japoy na para bang nakaligtas siya sa isang matinding tanong. Eh kasi puro nalang si Dretti nagtatanong kaya it’s time na kami naman diba?   

Canon in DWhere stories live. Discover now