Chapter 16

168 5 0
                                    

Chapter 16  

“Welcome to the Annual Academic Week!”  

Ang bilis nga ng panahon. Parang kelan lang eh August tapos ngayon eh November na. Naging masaya naman nung mga nakalipas na buwan. May mga ilang activities at events na nakayanan naman.  

“Hailey, sama ka samin! Tara!”    Nagulat ako nun kasi bigla nila akong hinila. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin nun pero hinayaan ko nalang.    

Nung tumigil na kami eh napanganga nalang ako.    

“Welcome to class 4-3’s Hottie Café Part II!”  

Wow, nagpart II pala ang hottie café nila? Ang galing naman.   

“Uwaa, parang mas okay yata yung part II ah?”  

“Syempre naman, dumagdag yata ang mga hotties namin ngayon. Eto yung listahan oh.”    

Natawa nalang ako nun kasi andoon parin si Nate sa listahan nila. Pinili ko siya nun kaso..   

“Sorry Hailey, busy si Nathan eh, may mga 3 pa yatang nakapila para sa kanya.”    

Eh? Hindi nga? Mabenta pala itong si Nate eh.   

Sumilip ako nun kay Nate at hala, ngiting ngiti ang loko. Tinignan  ko naman yung babae tapos..pffft.   

Mga nanay?? 

Napatingin sa side ko nun si Nate tapos yung mukha niya parang nanghihingi ng tulong. Pinagdikit pa niya yung kamay niya nun na para bang talagang desperado siyang makaalis pero ako natatawa lang. Wala naman akong magagawa eh. May 3 pang nakapila so kahit i-assign ko siya, wala siyang takas.   

“Uwa, Hailey, hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganito ah.”  

“Naku, hindi ah. Binibisita ko lang si Nate. Tignan mo oh, ang daming pumipila sa kanya.”  

Sumilip si Dretti nun tapos natawa siya ng malakas. Napatingin nga yung mga tao nun kaya hinila ko na siya paalis. Hindi niya kasi mapigilan yung tawa niya.   

“Bakit mag-isa ka ngayon?”  

“Ako? Wala lang..sinasanay ko lang lumangoy mag-isa..”    

Tama ba narinig ko? Lumangoy?? Eh, asan ang tubig??   

“Niloloko mo naman ako eh..saan ka lalangoy?”  

Ngumiti siya nun sakin tapos bigla niyang kinuha yung kamay ko tapos hinarap niya yung palad ko samin.   

“Ang buhay, parang isang malaking dagat yan..” tinuro niya yung kamay ko nun na para bang yun yung dagat. Tumango nalang ako at hinayaan siyang mag-explain.   

“At ang mga tao eh yung mga isda. Kagaya ng dagat, marami pang unexplored places sa ating mga buhay. Mayroon ding super dilim na part na kinakatakutan natin at may mga maliliwanag na balang araw eh gusto nating languyan. Pero sa lahat ng ito, ang pinakaimportante, kahit anong makaharap mo..lalanguy at lalangoy ka parin. Kung baga…just keep swimming. Kahit na minsan eh mag-isa ka.”    

Napakunot yung noo ko nun. Teka, gets ko siya pero, bakit kelangan pa niyang laliman??   

“Alam mo..” turn ko naman para kunin yung kamay niya nun tapos gaya ng ginawa niya sa palad ko eh hinarap ko rin yung kanya sa aming dalawa.   

Canon in DWhere stories live. Discover now