Epilogue

299 11 3
                                    

Epilogue  

“Happy birthday Guzman siblings!”  

Kanya kanya kaming nagblow ng birthday candles namin tapos may mga nagflash pa na camera. Parang artista lang eh.   

Ilang linggo rin ang lumipas mula nung dance. Naging masaya ang lahat, naging..mas colorful at mas exciting.    

Gaya ng sinabi sakin ni Nate nung dance, he started to court a girl from the stargazing club. Natutuwa nga ako para sa kanya kasi he was able to go against destiny and fate. At syempre, nung nalaman nina kuya yung tungkol dun, hindi nila macontain yung love na nararamdaman nila para kay Nate kaya tadtad ng pang-aasar ang ginawa nila. Lalo na si kuya Haisen. Pero not to worry, kasi slowly, napapatawad na siya ni kuya.   

Si Dretti naman, well, he’s still swimming in this big ocean. Pero unlike before, he’s not alone. He was never alone in the first place. Hindi lang talaga niya napansin yung mga taong nakasubaybay sa mga ginagawa niya. Pero ngayon, mas aware na siya sa mga tao sa paligid niya. May mga new set of friends na nga siya mula sa section niya eh kaya minsan napapahiwalay siya samin nina Nathan.   

Kung yung mga kapatid ko naman ang tatanungin niyo, well, they couldn’t be happier. Si kuya Haisen eh nagkaroon ulit ng girlfriend after how many months. Sobrang support kami sa kanya kasi talagang mahal na mahal niya yung babae. Dahil naman dito eh nabawas bawasan yung attention na binibigay niya sakin. Which was actually good. Nagkakaroon narin ng influence ng babae yung mga desisyon na ginagawa niya kaya mas naging okay siya.   

Si kuya Harvey naman eh naging stable na sa work niya. Nagbreak sila nung girlfriend niya after nung valentines kasi may nagawa si kuya Harvey na hindi maganda. Nung una eh parang gumuho yung mundo niya pero syempre, hindi namin siya pinabayaan. Right now, he’s trying to get back the girl’s trust. Wala pa masyadong improvement pero kahit papaano eh pinagtiyatiyagaan talaga niya. Mahal niya eh.   

Si kuya Hansel naman, well guess what, he’s getting married in April! Yes, finally eh magpapakasal na sila ng girlfriend niya. Pinilit kasi namin eh, sabi namin, ayaw namin maging selfish. Kahit papaano eh dapat happiness naman ang asikasuhin niya. Mas napapayag siya nung nalaman niyang sina mama eh uuwi na for good. Magsisimula nalang daw kasi sila ng business kaya ayun, happy happy na siya. 

As for my parents, gaya nga ng sinabi ko kanina, they’re staying here for good. Okay naman yung business nila ngayon. Nagboboom nga eh kasi mabenta talaga. It’s a little flower shop. Ang tawag? 4HK’s flower paradise. 4HK kasi..well, alam niyo na. Galing sa pangalan naming magkakapatid.  Nung una eh nagulat kami kung bakit flower shop ang naisipang itayo nila. Nalaman nalang namin na dream pala ni mama na mag-alaga ng flowers at gumawa ng sariling flower shop kasama ang family niya. Syempre ngayon, na-achieve na niya yung dream niya, at andito kami para sumuporta.   

I’m not forgetting anyone…am I?   

“Uy nakaabang na oh”  

“Yung isa ngiting ngiti naman.”  

“Hay nako ayaw--- ” natawa ako kasi biglang tinakpan nina kuya Harvey at kuya Hansel yung bibig ni kuya Haisen. 

How can I forget? 

“Happy birthday.”  

“Alam mo, ang daming beses mo na akong binabati.”    

Tumawa naman siya nun tapos inabot niya sakin yung isang box na may lock. Na naman?   

“Ano naman combination nito?”  

“Secret.”    

If you’re thinking na kami na, I have to answer, no. He’s still waiting for the time na pwede na. Kahit na medyo kampi sina kuya Hansel at kuya Harvey kay Japoy eh hindi parin talaga sila ready na maglet go sa nag-iisang baby sister nila. Okay lang naman sakin yun eh, syempre, hindi naman kami nagmamadali. We’re taking on this road slowly. Para kung may humps man o manholes eh hindi kami mabilis na maaaksidente. Madali lang kaming makakapagbreak para manatiling safe.   

Gaya ng sabi ni DK..Canon in D, is really like falling in love.    

It starts out slowly. When you meet someone, you take time to get to know them. You date, you exchange thoughts and laughter. And pretty soon, mas kilala niyo na ang isa’t isa. Then, it will come to a part na medyo bibilis yung rhythm. Ito na yung time na mas nagjijive kayo kasi you see a lot of similarities sa inyong dalawa. You find each other’s company really relaxing and you feel comfortable with each other. It gives you a good feeling, as if you’re floating on water.    

Of course, it would come to a point na lalakas yung sound and the song would be faster. Like the ups and downs of life. Parating magkakaroon ng misunderstandings, petty fights and even serious ones. Sometimes, it takes a long time for the pain to heal. Pero just like in the piece, the strong, fast and loud melody would subside and it would be followed by another mellow pace.  In order for one’s wounds to heal, kelangan may cooperation. Learn to compromise. It’s not just a one-sided deal. Remember, it takes 

two to tango. And no matter how many times those strong and loud beats come by, there’s always the assurance that in the end, it would always come back to the smooth and soothing part.   

“Kelan mo naman sasabihin sakin yung combination?”    

“Hmm let’s see, kapag pwede ka na magboyfriend?”    

Oh my gosh. Kelan pa yun? Eh after college pa daw ako papayagan!   

Nanlalaki na yung mga mata ko nun tapos bigla siyang tumawa.   

“I’m just kidding.”  

Pero hindi parin niya sinabi yung combination. Ang bait niya ano?   

Kinagabihan eh nagpaputok kami. Ang dami ngang fireworks nun eh at ang gaganda pa lahat. Pero ang pinakamaganda eh yung..   

“Hailey’s star..”  

“Ang ganda talaga..”  

“Of course, parang ikaw yan eh..”    

Ngumiti nalang ako nun. I don’t know kung I really do give light to other people, pero I’m sure of one thing. I would definitely try to be as bright as Hailey’s star. 

This is where my story ends. Well at least, my HIGH SCHOOL story. WE’re off to another step, COLLEGE. So..good luck naman samin!  

Canon in DWhere stories live. Discover now