Chapter 11

205 5 0
                                    

Chapter 11  

Dumating yung Saturday. Pinayagan naman ako nina kuya na sumama, yun nga lang, dapat daw ihahatid ako ni Japoy pauwi. Nako, patay.   

“Okay guys, konting props nalang pwede na tayo magpractice nung role-playing event! Dalian na natin!”  

Nako, tagalan niyo. 

“Hailey, pwede ba tayong mag-usap?”  

Hay, bakit ba ang daming gustong kumausap sakin lately?   

“Ahh, okay.”    

Lumayo muna kami nun at naglakad lakad. Syempre, nagpaalam kami kay Jila nun para hindi siya nag-aalala. Sabi pa nga ni Japoy eh magpapractice daw kami ng lines. Talaga lang ano?   

“Alam kong kinausap ka ni Dretti..”  

Nagulat ako nun pero hindi ko pinahalata. Syempre, hindi dapat obvious na guilty diba?    “Ahh..”  

“Gusto ko lang sabihin sayo Hailey..wag ka namang umiwas. It was my fault na hindi ako nakagawa ng  steps. Wala kang kasalanan nun okay?”  

Natigilan naman ako nun. Eh kasalanan ko naman talaga diba? Kung hindi niya ako kinailangang turuan…makakagawa sana siya ng steps.   

“May nagawa na akong steps so you don’t have to worry. Napakita ko na sa kanila yun and satisfied naman sila. So please..”  

“Okay.”  

Ngumiti siya nun tapos hinawakan ako sa magkabilang braso. 

“Thanks. Oo nga pala, pinapapunta ka ni Carrie mamaya sa house. May ipapahiram siya sayo eh.”  

Papahiram? Ano naman kaya yun? 

“Okay basta before 6 nasa bahay na ako.”  

Tumingin siya sa watch niya nun tapos tumango siya.   

Bumalik narin kami sa bahay nung classmate namin tapos nagstart na yung practice para sa role-playing event namin.   

“Okay Japoy, ito yung script mo. Andiyan na lahat. Kumpleto yan, hanggang sa marriage vows meron. Same goes for Hailey.”  

Tinignan ko naman yung script ko nun. Hindi siya kahabaan kasi yung marriage vows lang naman talaga yung mahabang kelangan imemorize. 

Pinractice namin yung vows nun tapos yung iba pa naming classmate eh tumili. Napataas naman kilay ko nun at ayun, namula sila.   

“Sorry na, bagay kasi kayo eh. Kinikilig kami. Haha”    

Bagay daw kami? Parang familiar ah.   

“Let’s just say…bagay tayo.”  

Kahit 6 lang ako nun eh naaalala ko pa yung exact na sinabi niya. Ang weird eh ano?   

“The best thing about getting married is being able to wake up every morning and see your partner next to you. Then you realize that this is for real and it wasn’t just another dream…”    

Marriage Vow ba yun? Hindi siya common ha. 

“Hay, sobrang kinilig talaga ako nang binasa ko yan. Great Job Stephen!”    

Canon in DWhere stories live. Discover now