Chapter 30

156 3 0
                                    

Chapter 30  

“Hailey dali! Andoon na sa next room yung iba oh!!”    

Natawa naman ako kay Nate nun. Masyado siyang excited eh.    

Field trip na namin ngayon sa star gazing club. Sobrang enjoy nga eh saka educational. Napakaraming alam nung guide namin kaya nakakamangha. 

Wala  naman masyadong nangyari nung nakaraang mga araw. Dahil nga Sports Festival na next week eh puro preparations lang ang ginagawa namin. Half day ang lessons nun tapos yung sunod na half eh allotted for practices. 

“Nate tignan mo to oh..”    

“Ay nako Hails, nakita ko na yan. Ikaw naman kasi eh, sabi ko sa harap na tayo pumwesto para kahit matagal ka eh hindi tayo mapag-iiwanan.”  

Natawa nalang ako nun kasi halatang frustrated na si Nate sa kakasaway samin.   

“Oh, Nathan, Hailey, pasok na dito. Nagsisimula na yung observation.”  

Pumasok naman kamin nun. Wait, correction pala, hinatak na ako ni Nate papasok nun tapos umupo kami malapit sa Northside Crew. Buti nga at nagsave sila ng seat para samin, mukhang marami rami kasi ang gustong tumabi sa kanila eh. 

“Saan kayo galing? Kanina pa namin kayo inaantay eh.”    

“Si Hailey eh, masyadong natuwa sa mga display.”  

Nagsimulang mag-explain yung guide nun tungkol sa mga constellations at galaxies. Nakakatuwa nga kasi ang damiing sinisingit na side story nung guide.    

“Ah, at eto ang Haley’s comet. Once every 75-76 years lang yan dumadating so consider yourself lucky kapag nakita mo yan.”  

“Stiff neck ang abot natin dito eh.”  

Napatingin ako sa kanan ko nun. Oh, si Japoy pala ang katabi ko? 

“Siguro..in love ka sa kanya ano??”   

Woah, teka, bakit bigla ko namang naalala yun??   

Napaptingin ako ulit sa taas nun tapos huminga ako ng malalim. Hindi naman diba?   

“Hailey tignan mo yun, kamukha nung pinakita ko sayo nung new year oh.”    

Tumingin naman ako sa tinuro niya tapos napangiti ako. Oo, kamukha nga.   

Natapos na yung observation kaya dumiretso kami sa cafeteria. Lunch narin kasi kaya ayun.   

Gaya kanina eh kasama namin yung Northside Crew. May ibang mga babae nun na ang sasama ng tingin sakin kasi biruin mo, ako lang yung nag-iisang girl dito tapos halos kilala pa silang lahat..well, except for Nathan. 

“Wag mo silang pansinin Hailey..naiinggit lang sila.”    

“Alam ko naman yun eh..nakakailang lang talaga.”    

“Alam mo kung paano mawala yan?”  

Umiling ako nun tapos nagulat ako kasi yung dalawang kamay niya eh nilagay niya sa magkabilang side ng mukha ko. Yung tipong tinatakpan na niya yung peripheral view ko. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari nun kasi bigla nalang..   

*DOKI-DOKI* 

Teka, tama ba itong nararamdaman ko?? DOKI DOKI?? Hindi, baka sa kaba lang ito dahil sa mga fans nila. Oo tama, kasi diba si Dretti yung naka 9 out of 10 so malamang lamang na siya yung lo..lo..siya yung YUN diba? 

Canon in DWhere stories live. Discover now