Chapter 24

154 4 0
                                    

Chapter 24  

Kinuwento ko naman kina kuya yung tungkol kay DK at ayun, parang wala lang sa kanila yun. Ang labo talaga nila, eh sila nga may pasimuno na si DK ang first love ko eh.    

“Ano nang mangyayari ngayon?”  

Nagtaka naman ako nun at napakunot yung noo ko.   

“Anong ibig mong sabihin?”    

“Alam mo nang siya si DK. Alam na niyang ikaw yung girl dati. Tapos? Liligawan ka niya?”    

Nagulat naman ako sa pagkastraight forward ni kuyan un. Teka lang, ligaw?   

Ni hindi ko nga alam kung in love ba ako or what eh.   

“Wala naman siyang sinasabi eh. Saka isa pa, hindi ko talaga mafeel na in love ako sa kanya.”  

Tumango tango sina kuya nun tapos pinat ako sa likod at sinabihan ng “tama yan” at “magaling”. I’m so blessed with weird brothers.   

Kinabukasan, Saturday eh nagulat nalang ako kasi biglang bumisita si Dretti sa bahay. Kasama niya nun si Japoy tapos ayun, sinama sila nina kuya sa movie marathon namin.   

Nagulat naman ako kasi after nung isang movie eh biglang nag-one-on-one talk sina kuya at Dretti. More like three-on-one. 

Naiwan naman kami ni Japoy nun sa sala tapos tahimik lang kami pareho.   

“Hailey, yung promise mo ah? Sana naaalala mo pa.”    

“Ha? Oo naman.”  

Ngumiti siya nun tapos bigla kong binuksan yung tv. Ang awkward kasi nung silence eh.   

“Oo nga pala, mukhang may field trip yung star gazing club sa January. Sana by then, makasama ka na.”  

“Oh? Kelan daw ba?”  

“Secret.”  

Napakunot naman yung noo ko nun. 

“Paano ako magpapaalam niyan?”  

“Haha, eh madaya eh. Malalaman mo na kung kelan birthday ko nun kung sasabihin ko sayo. Day after kasi nun eh.”    

Ahh, birthday pala niya ng araw na yun. Ano namang madaya dun, hindi naman niya sinabi na bawal sabihin yung kanya diba?   

“Eh di titignan ko nalang sa announcement board ng Star Gazing club.”    “Ito naman. Tinuturuan ka lang mamilit eh.”  

Kulit din nito eh. So kung pinilit ko pala eh sasabihin niya?   

“Sa January 15 ang birthday ko. A week before the Sports Festival.”    

Ahh, hmm. Dapat markahan ko na sa calendar yun, baka makalimutan ko eh.   

Napatingin naman ako sa garden nun at nag-uusap parin sila.   

“Ang tagal naman nila.”  

“Wag ka mag-alala. I’m sure Dretti knows what to say.”    

Napapout naman ako nun. Hindi naman yun eh. Parang..ewan. Ang labo kasi.   

“Nga pala, anong reaction ni Leila na siya ang nauna mong nakita nung sa arc of love?”    

Canon in DOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz