Prologue

429 15 2
                                    

Prologue   

Sabi nila, 6 years old ako nung una kong makilala ang first love ko.Hindi ako sigurado kung love nga ang matatawag dun kasi, ni hindi ko na nga siya maalala eh, kung ano man hitsura niya. Basta ang alam ko, nakamask siya nang nagsayaw kami. Masquerade kasi yung party na yun.     

Napatingin ako sa paligid ko habang yung mga tao, nagsasayawan. Naiinggit ako sa kanila kasi kaya nilang maging graceful habang gumagalaw. Madalas kasi akong kinakantiyawan na clumsy.     

Napatingin ako kina mama at papa na nagsasayaw sa gitna. Kahit yung mga kapatid ko may kasayaw narin eh, ako lang talaga yung wala.    

“Bata, bakit hindi ka sumayaw?”    

Napatingin ako sa batang nagtanong. Kung tatantiyahin ko, magkaage lang kami nung time na yun. Halos magkalapit lang yung height namin pero mas matangkad parin siya sa akin.    

“Hindi ako marunong eh.”  

Ganun ba? Tara, tuturuan kita.”    

Nagulat nalang ako kasi bigla akong hinatak nung bata papuntang gitna. Ang mas nakakagulat pa eh habang nilelead niya ako sa dance floor eh hindi man lang ako nagkamali ni isang beses.  

“Paano mo ginawa yun?”  

“Ang alin?”  

“Magawang isayaw ako nang hindi kita naaapakan.”    

Natawa siya nun tapos hinawakan niya ako sa balikat.    

“Ikaw ang may gawa nun, hindi ako.”  

“EH pero first time kong sumayaw nang hindi naaapakan yung partner ko.”    

“Let’s just say…bagay tayo.” Aalis na siya nun pero pinigilan ko muna siya.  

“Teka, anong pangalan mo?”  

“DK.” 

DK. Bagay daw  kami?   

*TEET TEET TEET TEET* 

Nag-inat ako nun. Wow, napanaginipan ko na naman yun? 3 straight days narin ah? Kakaiba.    

Bumangaon na ako nun tapos nagstretch stretch pa. Syempre, para tumangkad kelangan mo magstretch. Effective yun. Try niyo. :] 

Bumaba ako nun sa may dining tapos nakita ko yung aking lovable na tatlong kuya na nagkakagulo. Hay, siguro late na naman sila.   

“Oh Harvey, wag mong kakalimutan na yung job interview mo mamayang 10 na yun. Haisen, sabi mo bibili ka ng materials niyo bago pumasok, ano oras ba pasok mo ngayon? Bakit hindi ka pa lumakad na? Late ako makakauwi mamaya kaya magsara na kayo ng maaga at saka pa..”    

“Kuya Hansel, ano nga ulit yung sasakyan kong bus, yung papuntang Alabang diba? Haisen, bilhan mo narin ako ng brown envelope. Naubusan ako eh, babayaran nalang kita. Saka..”   

“Oo, Alabang, pang ilang tanong mo na yan ah. Isulat mo na kaya?”   

“9 pasok ko kuya. Nga pala, baka lumabas kami ng mga barkada ko after nung paggawa ng project.”    

“Haa? Lalakwatsa ka pa? EH paano nalang si..”  

Napatingin silang lahat sa may stairs tapos nakita nila akong nakatayo at mukhang nahihilo na sa kakaikot nila.   

“Hailey!”    

Lumapit silang tatlo sakin tapos kumiss. Natawa ako kasi tumigil talaga sila sa mga ginagawa nila para lang mag good morning.  

Yan ang tatlo kong kuya. Mahal na mahal ako ng mga yan. Ako lang kasi ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid kaya minsan may pagkaoverprotective sila. Wala namang kaso sakin yun kasi alam ko na pagpapakita lang nila ng love para sakin yun.   

Si Kuya Hansel pala ang pinakamatanda. Siya yung nagtatrabaho sa amin. Nagtataka kami kung bakit hindi pa siya gumagawa ng sarili niyang pamilya with his 5 year girlfriend pero ang dahilan lang niya, inaantay niyang makatapos muna daw kami. Ang thoughtful no?   

Si Kuya Harvey naman ang pangalawa sa magkakapatid. Fresh graduate yan at naghahanap palang ng

trabaho. Hirap nga siya eh kasi halos lahat daw ng inaapplyan niya eh sinasabi “we’ll call you”. Eh hindi naman assurance yun na tanggap ka diba?   

Si Kuya Haisen naman ang pangatlo. College na siya at magthi-3rd year na siya sa next semester. Mahilig siyang tumambay kasama ng barkada niya pero alam naman niya yung limitations.    

“Kuya okay lang ako, maglolock nalang ako mamaya.”    Sabay sabay silang nagsalita nun kaya wala akong

maintindihan. Kinuha ko yung pito na nakasabit sa wall tapos hinipan ko.   

“Time out. Sabay sabay na naman kayo eh.”    

Natawa sila nun tapos ayun, napagkasunduan na hindi nalang muna lalabas si kuya Haisen mamaya.    

“Sige mga kuya, ingat! Pasalubong ko ha?”    

Tumango lang sila nun tapos umalis na.   

Hay, home alone na naman ako. Palibhasa summer kaya walang gimik.   

Wala ang parents namin. Sa abroad sila nagtatrabaho. Okay lang naman samin yun kasi para sa kapakanan lang din naman namin yun eh. Ang masaya naman eh umuuwi sila tuwing may occasion. Swerte nga sila kasi ang mga birthday naming magkakapatid eh iisang month lang kaya isahang uwian nalang.    

Hindi naman kami hirap dito sa bahay kasi andito si manang. Siya yung nag-aalaga at umaasikaso sa aming apat. Alagang alaga kami niyan.    

Oo nga pala, naipakilala ko na sila’t lahat lahat pero ako hindi ko pa napapakilala ang sarili ko.    

I’m Hailey Karylle Guzman, 17 years old. Incoming Senior sa Hayden High. Simple lang akong tao na may simpleng pangarap.    

At ito ang kwento ng buhay ko.    

Canon in DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon