Chapter 14

192 5 0
                                    

Chapter 14  

Nakipag-usap pa siya sa lola niya nun tapos bigla siyang umalis. Sasama sana ako nun kaso sinabi niyang kakausapin pa daw ako.   

Iha, ang tagal ko ring hinintay na may ipakilala sakin si Tikoy.”    

Tikoy?? Natawa naman ako nun pero hindi ako nagpahalata.   

“Japoy po. Bakit niyo naman po hinihintay na ipakilala ako?”    

“Hay iha, matanda na ako. Akala ko hindi na ako aabot. Si Bikoy kasi, ang bagal.”    

“Japoy po nana. Mabagal po? Saan naman po?”    

“Ay, hanggang ngayon pala. Hay si Dikoy talaga.”  

Ngumiti nalang ako nun. Nagkwento pa nga siya sakin nun tungkol sa mommy ni Japoy eh kaya napangiti ako. Sobrang bait daw niya at sobrang ganda din.    

“Ang sabi ko nga kay DK eh, kasing ganda ni Carrie.”    

Teka, DK?? 

“Nana, Japoy po.”  

“Kaya nga, si DK nga.”  

Napakunot yung noo ko nun. Hindi kaya, si Japoy yung DK nung bata ako??   

Ang labo. Saan naman manggagaling yung DK eh Japoy pangalan niya diba?   

Pumanik na si Japoy nun tapos ngumiti siya samin. Sinamahan niya ako pababa nun tapos natanong ko naman yung tungkol sa “DK” incident.   

“Bakit ka tinawag na DK ng lola mo?”  

“Makakalimutin na yung si Nana. Ang dami nang tinatawag tawag sakin.”    

Yeah, tama. Hindi siya pwedeng maging si DK. Nagkamali lang ulit yung lola niya nun.   

Pagkabalik namin sa baba eh nagkakantahan naman sina Dretti. Grabe nga eh, ang wild niya. Nung tinanong ko naman si Japoy, ayun, nakainom daw.   

“Ikaw ba, umiinom ka?”  

Umiling lang siya nun tapos ngumiti. Akala ko umiinom siya eh.   

Nung mga 5 na eh hinatid ako ni Japoy. Si Nathan? Ayun, sumasaya kasama si Dretti kaya nagpaiwan muna. Ang close nga nila nun eh. oh baka nakainom lang sila pareho kaya ganun? Naku po, kawawa si Nate kapag uwi niya. Sasabunin siya ni tita.   

“Sige Hailey..salamat sa pagpunta ah?”  

“Wala yun, salamat din sa invite. Sige, ingat pauwi.”    

Kumaway siya nun tapos pumasok na ako sa loob.   

“Hailey, nanliligaw ba yun?”  

“Kuya naman, nilalagyan ng malisya.”  

“Hindi ah. Just making sure.”  

Tumawa ako nun tapos umakyat na ako sa taas. Nakatext ko ulit si Japoy nun hanggang mga 10 tapos natulog narin ako.    

Ang hassle ng sched namin nun. Walang pasok tapos may pasok tapos weekend. Sana Friday nalang yung walang pasok para long weekend. Kaso, nakakatamad pumasok kapag kakatapos lang ng exam. Ang labo.    

Canon in DWhere stories live. Discover now