Chapter 26

175 3 0
                                    

Chapter 26   

“DK wag ka nga..DK kelan kayo pupunta ng probinsya? Dre—DK…ugh.”     

Napaupo ako nun sa kama tapos humiga narin ako. Kanina pa ako practice ng practice na gamitin ang pangalang “DK” para kay Dretti pero kapag naiisip ko eh Dretti talaga nasasabi ko. Ewan ko nga rin kung bakit eh. Iba kasi ang pumapasok sa utak ko kapag DK. Hindi ko naman malaman kung ano.   

Nagvibrate nun yung phone ko kaya tinignan ko naman. Si Japoy lang pala.    

Sender: Japoy Yuu  Message:  

Pde aq sa xmas party.  

Nga pla, ssma c Carrie.  

Kung ok lang..  

Nagreply naman ako kaagad na okay lang na sumama si Carrie. Okay din yun para ipapakilala ko siya kina mama. Tiyak matutuwa sila, lalo na si mama. Mahilig kasi siya sa mga designing and stuff kaya mukhang magkakasundo sila.   

Nakatext ko pa siya nun tapos nung bandang 8 eh nagpaalam na ako. Magsisimula narin kasi akong mag-aral para hindi ako magmamadali sa weekend.    

Mabilis lang lumipas ang oras. One day eh nagrereview pa kami at nagcacram para sa upcoming exams and then the next eh tapos na at mag-Christmas party na sa Hayden High.    

Sobrang ganda ng school namin tuwing Christmas party. Todo design talaga at ang mga Christmas lights eh napakaganda. Halatang pinagawa sa professional. 

“Hailey Merry Christmas!”  

Ngumiti ako nun tapos yung iba eh nagbeso sakin. Nagulat nga ako at binigyan ako ng regalo. Nakakahiya tuloy kasi wala akong dala para sa kanila.   

“Hails, ito na yung gift ko oh. Hindi ko kasi mabibigay ng 25 talaga. Merry christmas nalang ah? Yung kina kuya mo at kina tita eh idadaan ko nalang.”  

Ito talaga, ginawa pang special yung akin. Bakit hindi nalang din niya idaan diba? 

Binigay ko narin naman yung regalo niya pati yung kay Japoy. Nagthanks nga siya nun kahit hindi pa niya nabubuksan. Nako, panigurado matutuwa siya diyan.   

“Wag mong bubuksan kaagad ah? Sa Christmas party nalang sa bahay.”  

Ngumiti siya nun tapos tumango rin naman. Sunod kong hinanap eh si Dretti. Nagulat nga ako kasi nung nakita ko siya eh biglang lumiwanag tapos nagpalit palit kulay yung mga christmas lights. Idagdag mo pa yung fact na nakangiti siya sakin ng todo todo.   

10 signs of falling in love  

21.   Parating napapangiti.  

22.   Laging iniisip.  

23.   Sumasaya kapag nakikita siya.  

24.   Nalulungkot kapag wala.  

25.   Isang smile lang, tanggal na ang lungkot/pagod.  

26.   May music kapag kasama mo siya.  

27.   Everything seems colorful and happy.  

28.   …………………………………………………..  29.…………………………………………………..  

Canon in DWhere stories live. Discover now