Chapter 40: Let's Play a Game

Comenzar desde el principio
                                    

"Alam mo Ate? sa totoo lang kayo ni Vince, iniisip kong kalaban kayo, na kakampi kayo nila Red at Black mask. Galit na galit kayo sa Headmaster at sa Cards, posible diba? Pero alam kong hindi yun totoo! Hindi yun pwede at hindi yun maaari! Kaya naman iniaalis ko yun sa isip ko. Wag nyo naman na sanang pabalikin."- saad ko pa.

Ayoko na, ayoko ng tumagal pa ang pagtatalo naming dalawa. Kailangan na 'tong matapos at kailangan kong kumalma.

"Makakaalis kana, ayoko ng humaba pa 'to."- saad ko sabay tingin ko sa balikat ko.

Damn! nagdudugo yung sugat ko!

Hindi naman nagsalita si Ate Rei at piniling umalis na lamang. Pagkaalis ni Ate, napabuntong hininga na lamang ako.

"I-ice.. ayos ka lang?"- rinig kong tanong sakin ni Ashlie.

Tinignan ko naman sya at pagkatapos ay tumango ako.

"Oo, huhupa rin ang pag-aaway namin ni Ate."- saad ko.

Lumapit naman sakin si Ashlie.

"Shit! Dumudugo yung sugat mo!"- saad ni Ashlie sabay kuha nya sa bag nya.

"Dyan ka lang, tatawagin ko si Devin."- saad ni Ashlie.

Ngumiti naman ako at tumango kaya't umalis na sya. Pagkawala ni Ashlie, napahilamos na lamang ako sa mukha ko gamit ang isa kong kamay.

Gulong-gulo na ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko na rin alam minsan ang ginagawa ko!

"Bahala na, sasabay na lang ako sa agos ng lahat na nangyayari. Litong-lito at gulong-gulo na ko, bahala na sa kung anong mangyayari. Naniniwala akong mabibigyan din ako ng kasagutan sa mga gumugulo sakin."- bulong ko sa sarili ko.

Yung mga pinagsasasabi ko kanina, kusa na lamang yun na lumabas sa bibig ko. Sobrang weird.. minsan may mga bagay akong ginagawa na hindi ko rin namamalayan. Katulad ng ginawa ko kahapon, yung bigla kong pagharang. Minsan din bigla akong natatakot, kinakabahan, naiinis at nagagalit agad dahil lang sa mababaw na dahilan. Tapos ngayon, 'eto naman.. nagsasalita ako, may sinasabi akong kung ano na hindi ko rin namamalayan na sinasabi ko na pala. Ewan ko.....

Narinig ko namang bumukas ang pinto dito sa clinic at alam ko na kung sino ang dumating.

"N-nakwento na sakin ni Ashlie ang nangyari."- saad ni Devin.

Tinignan ko naman sya.

"Yeah, dumugo yung sugat ko. Naapektuhan yata sa pag-aaway namin ni Ate."- saad ko.

Hindi naman sya agad nagsalita at lumapit na muna sakin.

"Salamat."- saad nya sabay tanggal nya sa benda ng sugat ko.

Tinitigan ko naman sya.

Wala syang suot na salamin ngayon, nakababa rin at gulo-gulo at kulay asul nyang buhok. Nakauniform na sya ngunit hindi pa nakabutones ang dalawang butones sa itaas ng polo nya at hindi pa nya naisusuot ang necktie nya.

Inaamin ko, gwapo sya. Kahit nakasalamin sya makikita at mapapansin mo yun pero mas kita at pansin kapag wala syang suot na salamin.

Bumuntong hininga naman ako at inialis ang aking tingin sa kanya.

"Dahil ba yan sa pagpapaka-superhero ko."- saad ko.

Naramdaman ko namang tumingin sya sakin.

"Oo."- saad nya habang inaasikaso ang sugat ko.

"Salamat sa pagpapaka-superhero mo sakin tuwing pinagtatangkaan ang buhay ko. Dalawang beses mo na yung ginawa at salamat din dahil..."- saad nya sabay hinto nya sa ginagawa nya.

Dark Island Academy 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora