“Hi Mach ko, how’s your first day at work?” masayang tanong ni Brandon.

“Naku Nrab nasa meeting ako  nakakahiya nga eh nagring ang cellphone ko nakalimutan ko I-silent” mahinang tugon nito.

“Ay sorry Mach ko nakaistorbo pala ako inform lang kita sabay tayo maglunch punta ako diyan before 12 okay?” sumangayon na lang siya para hindi na humaba ang usapan, natatakot siyang pumasok ulit sa loob dahil baka ipahiya na namansiya ng boss niya.

“Sorry ulit” mahinang sambit niya pagpasok ng silid.

“One more thing pag may meeting tayo I don’t want any cellphone beeping I silent niyo or iwanan sa desk niyo. Ayaw ko ng abala habang nasa meeting okay ba?” napayuko naman si Cham sa hiya kanina pa siya nasasabon ng bagong boss.

Sa wakas ay natapos din ang napakahabang meeting nila, nauna na nagsilabasan ang mga kasamahan niya at siya naman ay nagpahuli na pagkalabas ay dumeretso ito sa kanyang opisina.

“Mam Cham welcome back po pala”  bati sa kanya ni Ara nauna na ito sa opisina nila.

“Salamat Ara may pasalubong pala ako sayong mga prutas maya ko ibigay sayo ah.” Agad naman dumeretso si Cham sa desk niya at binuksan na ang laptop niya para magcheck ng mga emails.

Sobrang dami niyang email naghihintay na lang siya ng lunch time nila dahil pupuntahan siya ni Brandon.

“Mam Cham tumawag si Boss Ells sabay-sabay tayo maglunch along with the writers.” Iniangat naman niya ang ulo at tinignan lang si Ara.

“Naku paano yan pupunta dito ang friend ko.” Bigla naman nagring ang telepono niya at tumawag ang receptionist na may bisita daw siya sa lobby.

Agad na kinuha ang bag at lumabas, kasabay naman niyang lumabas din ng opisina ang bagong boss nito na nasa kabilang silid lang. Agad naman niyang nakita si Brandon sa lobby na naghihintay at agad na nilapitan ito.

“Mach” bati nito at sabay abot ng bulaklak na dala nito.

“Naku nagabala ka pa” palabas na sana sila pero tinawag siya ng boss niya.

“Ms. Hontiveros where are you going?” napalingon naman siya dito.

“Lunch break ko na. I’m going out.” Lumapit naman ito sa kanya.

“Hindi ba nasabi sayo ni Ara na we’re going to eat lunch together with the writers? And you need to be there too” agad naman tinignan ni Cham si Brandon. Namilog ang mga mata ni Brandon ng makita kung sino ang tumawag kay Cham.

“Okay lang Mach doon na lang din tayo kumain.” Hinawakan naman ni Brandon si Cham sa kamay at kinuha ang bag na dala nito.

“Sige boss saan niyo ba balak kumain susunod na lang po ako.” Napakunot naman ang noo ni Ellsworth pero agad din niya itong binawi at sinabi kung saang restaurant sila pupunta at agad naman siyang niyaya ni Brandon na lumabas na.

“Mach hindi ba iyon ang nakabunggo sayo doon sa ospital? Bakit siya andito?” iritadong tanong ni Brandon.

“Unfortunately siya ang bagong boss ko, binenta na pala ni Tito Albert itong company niya at siya ang nakabili.” Nagulat si Brandon sa sinabi ni Cham.

“Really hindi ako makapinawala bakit hindi mo alam about doon.?” Tanong ni Brandon habang inaalalayan makasakay si Cham sa kotse niya.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now