“Asahan ko yan ah yung Mocha Frap ah.” Masayang tugon ng dalaga.

“Okay so I already introduced myself it’s time for you to tell me about yourself since we will be working as a team here. Palagi niyo ako makakasalamuha I’m a type of person na gusto ko lagi nakakausap ang mga empleyado ko usually I will gather up to twice a week team meeting. So umpisahan natin dito sa kanan, tell me from what department and how long have you been here and something interesting about yourself.” Tinuro na nito ang unang magpapakilala.

Isa-isa na nagpapakilala ang mga kasamahan buti na lang at nasa bandang dulo sila Cham kaya medyo matagal pa siya tawagin. Sobra talaga siyang nabigla sa mga nalaman never siya sinabihan ng Tito Albert niya kaya ngayon palang pumapasok sa utak niya ang mga pagbabago sa kumpanya. Akala pa naman niya ang dadatnan sa pagbabalik ay mga sangkatutak na trabaho, yun pala ay madaming pagbabago.

“Inaantok na ako Joe” bulong ulit ni Cham sa katabi.

“Ako naman alive na alive. Tignan mo kasi si Sir Ells para mabuhay ang dugo mo.” Napaubo naman si Cham sa sinabi ng katabi at dahil sa pagubo ay parang nabulunan pa siya sa kakalunok. Napalakas na kasi ang sunod-sunod niyang pagubo

“Are you okay Ms. Hontiveros?” singhal nito, tumigil na kasi ang nagsasalita sa unahan dahil nakapukaw na siya ng atensyon.

“Yeah I’m okay.” Binigyan naman siya kaagad ng tubig ni Ara. Halos maubos na niya ito.

Nakahalukipkip na si Cham habang nakikinig sa kasalukuyang nagpapakilala, sa sobrang dami nila ay halos mag tatlong oras na ang meeting nila. Pinipigilan ang antok at boredom sa panaka-nakang pakikipagusap sa katabi. Sumunod na si Joe sa tinawag at last siya na din after nito, gusto na niyang magbreak at makita ulit ang opisina.

“Okay your next Ms. Hontiveros.” Tawag sa kanya ni Ellsworth.

“Hi im Chamile Hontiveros, just call me Cham I graduated as a Magna Cumlaude B.S in Accountancy I’m also a CPA. I’ve been here for almost two years now.” May sasabihin pa sana ang dalaga pero pinutol ito ng binata at tinanong siya.

“That’s nice to know pero bakit dito mo pinili magtrabaho I’m sure that if you graduated Magna then you passed the board exam that there will be a lot of offers from some big companies but why you chose to stay here?” diretso ang tingin ng binata kay Cham, hindi naman niya nilingon ang lalaki at bumuntong hininga na lang ito before she answer.

“Because Alban Family is like my second family, they helped me a lot especially sila ang dahilan at nakapagtapos ako. So I promised to myself If makakatapos ako ng pagaaral ay iaalay ko ang serbisyo ko sa mga Alban.” Pagkatapos ng sinabi ay agad naman na umupo na si Cham, wala ng nagawa si Ellsworth kundi sundan na lang ang dalaga ng tingin.

“Ang tarush mo ateng, umalis ka na lang agad-agad.” Sabi ni Joe saktong pagupo ulit ni Cham sa tabi niya.

“Baka dumami pa ang tanong napapagod na ako dito, gusto ko na lumabas.” Mahinang angal nito.

Sa totoo lang ay ayaw na niya magstay pa dito, hindi siya kumportable sa mga tingin ng bagong boss niya para bang anytime ay ipapahiya siya nito. Yung ibang nagpakilala hindi naman siya nagreact sa mga sinabi tanging siya lang ang may follow up question.

Bigla naman nagring ang cellphone niya, pag minamalas nga naman nakasimangot na naman ang mukha ng boss niya.

“Sorry I forgot to put it in silent mode” nakangising sabi niya sabay lumabas ng conference room.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon