Thirty Three

33.7K 616 5
                                    


Nilamon na ata ng konsensya ang buong pagkatao ko. Hindi ko magawang titigan sa mata ang magulang ko habang masaya silang nagsasalita sa hapag kinabukasan.

"Tao po?" Tawag ni Bryce mula sa pinto. Agad namang napatayo si Mama at iniwan ang agahan niya para pagbuksan ng pinto ang bestfriend ko.

"Aga naman ng sundo mo anak." Tugon ni Mama bago niya pinapasok si Bryce. "Saktong-sakto nag-aagahan kami, sumabay ka na sa amin Bryce." Aya pa niya.

Bryce claimed the seat beside me before he kissed my temple. Napayuko na lang ako at tahimik na inubos ang pagkain ko. I excused myself after to gather my things.

Hindi ko lang talaga kayang tagalan na kaharap sila Mama at Papa. Gusto ko nang sabihin sa kanila para matapos na. But whenever I try, words fail me. Umuurong ang dila ko kasabay ng palaking puwang sa bandang tiyan ko.

Napaupo ako sa dulo ng kama ko, nagpipigil ng luhang nagbabadya nanamang bumagsak. After one week ang labas ng resulta at one week lang din ang ibinigay sa akin para makaisip ako ng tamang paraan para masabi kila Mama.

I inhaled deeply, not knowing where to gather strength and courage to face the day. Napahilamos na lang ako ng mukha bago ako bumaba.

Malapit na ako sa kusina para puntahan si Bryce nang narinig ko ang usapan nila. Hindi ko ginustong mag-eavesdrop. But the tone Mama has was very alarming. Kaya napahinto ako sa paglalakad at napasandal sa dingding habang hawak ang bag ko.

"Bryce, alam mo kung gaano kalaki ang tiwala namin sa'yo pagdating kay Diamond." Tugon ni Mama. I heard nothing but silence from Bryce so Mama continued. "Simula kasi ng uwi niyo kagabi, kakaiba na ang kinikilos ng anak ko. Naaabala ako. Kilala ko si Aya, hindi 'yan magsasabi kahit pilitin mo at alam ko rin na sa'yo lang siya nagsasabi ng mga bagay-bagay na hindi niya kayang sabihin sa amin."

"Tita, hindi po ako ang tamang tao na panggagalingan ng gusto niyong malaman. Ang hiling ko po sana, ay bigyan ng kaonti pang oras si Aya para maka-ipon siya ng lakas ng loob para sabihin sa inyo."

I cupped my mouth with my hand to avoid my whimper from escaping. Sino ba naman kasi ang niloko ko kundi ako lang. Alam kong napapansin na nila ang mga pinagbago ng kilos ko, at isang gabi pa lang ang nakakaraan.

I closed my eyes and composed myself before I entered the dining room again. Mama jerked her head up when she saw me. She immediately smiled at me, "Oh ready na ang anak ko. Sige na, lakad na kayo." Pag-iiba niya sa usapan.

Humalik ako sa kanilang dalawa ni Papa bago kami tuluyang lumabas ni Bryce ng bahay. As soon as were out of their eyes and ears Bryce took my bag and faced me.

"Narinig mo ang pinag-usapan namin?"

Umiwas ako ng tingin saka tumango.

"Aya, they need to know." He coaxed.

I looked at him straight in the eye, tears starting to cloud my vision. "Alam ko. Just give me some more time." I pleaded.

He sighed before he nodded his head and led me to his car. Nasa daan na kami papunta sa opisina ko ng tumunog ang cellphone ko. Isang tao lang naman ang tatawag sa akin ng ganito kaaga.

"Ferris." Sagot ko.

He answered me with a groggy yawn, "Good morning sunshine. Malapit na akong umuwi. 3 pm ang flight ko pabalik diyan." He said with evident glee despite his lazy morning voice.

"T-talaga? E-excited na akong makita ka." I murmured, but I sound nothing like what I said.

Nakarinig ako ng kaluskos bago siya sumagot. "You don't sound like you are. Aya, may problema ka ba? May problema ba tayo? Kahapon pa ganito ang inaasta mo." He asked, his voice packed with concern.

Naaninag ko ang paglingon sa akin ni Bryce, "O-oo naman. Pagkauwi mo saka na lang natin pag-usapan. Miss na miss lang kita kaya ganito." Palusot ko.

"You sure?"

"Positive." Agad kong sagot. Good thing I was able to streer our conversation about his meetings kaya naiwasan ko angmga pagtatanong niya sa akin. Pero hindi pa rin nawala ang pagaalala niya hanggang sa binaba ko ang linya.

Bryce quickly turned to me when we arrived in front of my office building. "Aya, kailangan din malaman ni Ferris ang kalagayan mo." Tugon niya.

Napatango ako, "Alam ko. Minsanan ko na lang sasabihin sa kanila para hindi na ako mahirapan. 'Yong resulta lang ang hinihintay ko para masabi ko na. Kailangan ko rin kasing mag-ipon ng lakas."

He looked at me downheartedly, despair written all over his face. "Kaya nga kami nandito, para sa amin ka kukuha ng lakas. The only thing you needed to do is to pull them out of the shadows."

My day at the office was slightly paranoic. Ilang beses ako nagpunta ng banyo para tignan kung nag-no-nosebleed ako. Wala rin kasi akong gawa kaya malaki ang naging chansa ng utak kong i-overthink ang sakit ko.

"Itigil mo na ang pag-iisip Aya." Utos ko sa sarili ko habang nakapikit. I was doing a personalized mantra when I heard my door creaking.

Napataas ako ng tingin at agad naman nagtama ang mata namin ni Bona. Napahalinghing ako ng tahimik, 'wag mong sabihing dadagdag pa siya sa mga iniisip ko.

Naupo ako ng maayos saka ko tinuon ang atensyon ko sa mga papeles sa harap ko. "Wala si Ferris ngayon." Maikling sambit ko.

I heard her heels striking the tiled floor before she ended up in front of my table. "Hindi siya ang pakay ko. Ikaw." Masungit na tugon niya.

Napatigil ako sa pag-compile ng mga papel at napatingin sa kanya. She was glowering at me for unknown reasons. Wala akong lakas sungitan siya kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Anong kailangan mo?" I irksomely asked.

"Si Ferris."

"Wala nga siya rito. Nasa Cebu, sundan mo kung gusto mo."

She laughed before she placed her phone in front of me. "Silly girl. You actually think na mahal ka ni Ferris?" Tugon niya.

Napairap ako pero itinawa niya lang. "Ferris and I share a very rich history. At ikaw ay isang distraction lamang. Sa tingin mo, anong magugustuhan ni Ferris sa isang katulad mo."

"Wala akong panahon pakinggan ang-"

"Pakinggan ang katotohanan?" She said, cutting me off. "Stupid girl. Kung ako sa'yo, ako na mismo ang tatapos sa kung ano man ang mayroon kami ni Ferris para maiwasan kong masaktan."

With that ultimatum, she left. Bigla akong nanghina at napasandal sa upuan ko. Iwan si Ferris. Iwan siya hindi para sa kapakanan ko pero sa kapakanan niya. 

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now